Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HUMIHIRIT ANG MATAAS NA PNP OPISYAL

$
0
0

IYAN ang putok sa sirkulo ng Pambansang Pulisya.

Malapit na siyang magretiro pero umuusok ang bulong-balita sa loob ng Philippine National Police National Headquarters sa Camp Crame.

Gusto raw isagad ng opisyal ang kanyang araw sa kanyang “marangya at mayaman na puwesto?”

Aba naman, Sir. Ibang klase ka rin naman pala. Gusto mo hanggang sa huling araw o sa pinal na araw ng iyong pagreretiro ay ikaw pa rin ang nakaupo sa iyong kapangyarihan?

Ang alam kasi natin, isa o maski dalawang buwan pa ang natitira ay pinagpapahinga na ang sinomang miyembro ng PNP para asikasuhin ang lahat ng kanyang dapat ayusin sa pagreretiro.

Marami tayong kilala na opisyal na ganyan. Ibinibigay na nila sa nararapat na pumalit para maalwan na matapos lahat ng pananagutan, mga personal na dokumento para sa pinal na araw, matanggap na rin nila kaagad ang kanilang retirement benefits, Alright Sir?

Kilala natin ang nasabing opisyal. Mabait naman siya at mahusay makisama sa lahat. Lamang, mali ang kanyang diskarte na sagaran sa puwesto bago bumaba.

Gusto lang natin ipaalala sa opisyal na ito, kahit gaano pa kaganda ang iyong mga nagawa sa serbisyo, maaaring isang minuto sa iyong pamumuno sa puwesto ay bigla kang abutin ng kamalasan.

Pwedeng mangyari iyan.

Ibigay na lang natin ang karanasan ni Philippine Navy Col. Ferds Marcelino. Kung ano ang makulay niyang pagganap sa tungkulin lalo na noon nasa Philippine Drug Enforcement Agency pa siya, ilang minuto lang nagiba ang kanyang mundo!

Katulad din iyan sa mga ordinaryong mamamayan na paretiro na lang, bigla pang naaberya ang buhay. Sa halip na pagkilala ang tinanggap ay nalubak.

Ang nasabing opisyal ay maganda ang rekord sa serbisyo. Bagaman, marami ang nagsusulat laban sa kanya dahil sa kagagawan ng “ibang tao” na malapit sa kanya.

Kumbaga, sa halip na proteksyunan siya, ang mga bulong at aksyon ng kanyang “kaibigan o kamag-anak” ay sila ang naghuhukay ng lubak ng kasalanan.

Mayroon nga tayong ilan na nakausap tungkol sa mga taong “kolektor” umano ng opisyal na nagyayabang pa na super-yaman na sila.

Hindi na raw kailangan pa ang “pabaon” mula sa punong-tanggapan sa oras ng pagretiro?

Aba naman, mayaman na nga talaga!

Huwag, Sir.

Huwag mong sirain ang mataas na paggalang ng mga tao na naniwala sa iyong pagkatao! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Broken Heart Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>