Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WALANG MAGUGUTOM NA FILIPINO KAY DUTERTE

$
0
0

FOOD security ang tututukan ni Rody Duterte sa sandaling siya na ang Pangulo ng bansa.

Ito ang simpleng mensahe ni Digong sa mamamayan, kasabay ang pangakong pangunahing layunin ng kanyang liderato ang paniniyak na walang maghihikahos at magugutom na Pinoy sa kanyang pamamahala.

Malinaw rin na sa unang 100 araw niya sa Malakanyang ang pagsiguro na may pagkain ang bawat pamilyang Filipino sa kanilang hapag-kainan dahil ito naman talaga ang tungkulin ng isang tunay na public servant.

Maraming datos na ipinakikita ang kasalukuyang administrasyon na umangat daw ang ekonomiya ng bansa pero hindi naman ito naramdaman ng bawat Filipino, partikular na ang mga mahihirap.

Pinagdiinan din ng Davao City mayor na hindi sapat ang datos ng pag-angat dahil ang talagang basehan ng pag-unlad ng mamamayan ay ang kakuntentuhan nito sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Susugpuin din ni Digong ang mga mapagsamantalang negosyante na siyang dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng bilihin.

Wawakasan din ni Duterte ang pananamantala hindi lang sa kaban ng bayan kung hindi ang pananabotahe ng mga negosyanteng walang puso at walang hinangad kung hindi ang kumita ng sandamakmak na salapi.

Malinaw ang agenda ni Digong na alagaan ang mga Filipino dahil ang paniniyak na busog ang bawat pamilya sa bansa ay kasingkahulugan na rin ng isang maunlad na estado.

RECOM IAANGAT MULI ANG CALOOCAN

Tama lamang ang ginawang desisyon ni Cong. Recom Echiverri na tumakbong muli bilang alkalde ng Caloocan City dahil nawala sa pokus ang lungsod magmula nang ito ay pamunuan ng kasalukuyang liderato.

Lumala ang krimen, naging kawawa ang mamamayan at lalong naghirap ang residente nito. Hindi rin naramdaman ng taga-Caloocan na may pamahalaan dahil ultimo simpleng pagtulong sa kanila ay pinagkait pa raw ni Oca Malapitan.

Wala raw gamot at doktor sa mga health center at iyan ngayon ang iniiyak ng mga mamamayan dito. Maging ang ipinagawang ospital ni Malapitan ay hindi sasagot sa pangangailangan ng mga residente ng North Caloocan dahil bukod sa maliit ito ay kulang ito sa mga kagamitan.

Malinaw ang agenda ni Recom sa kanyang pagbabalik at iyan ay tulungang iahon ang kanyang mga kababayan na animo’y pinabayaan at inapi ng kasalukuyang pamamahala. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection