Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

9TH MIAS

$
0
0

inside motoringTAGUMPAY muli ang pagsasagawa ng ika-9 Manila International Auto Show (MIAS) na ginanap sa World Trade Center sa Pasay City noong Biyernes hanggang Linggo. Ang taunang motor show ay nagbibigay impormasyon sa mga car enthusiast at mga prospective buyer kung ano ang dapat nilang bilhing sasakyan. Hindi lang mga bagong sasakyan ang makikita dito kundi may mga after market stores din. Maging ang Mr. Quickie na gawaan ng sapatos ay matatagpuan din doon.

Ang Ford Group Philippines ay naglunsad ng kanilang bagong Ranger Wildtrak pick-up at ang-all new Fiesta. Ipinakita naman ng Peugeot Phils. ang face-lifted RCZ sports car nila. Ang Berjaya Auto Phils. o Mazda Phils. ay naghandog ng bagong produkto, ang all-new Mazda 6. Maging ang Subaru, Mini Phils. at marami pang iba ay nag unveil din ng kanilang mga bagong produkto.

Ayon sa organizer na si Alvin Uy, kumpara sa nakaraang taon ay mas maraming dumalo ngayon sa MIAS. Pinangako rin ni Uy na patuloy niyang pagagandahin at palalakihin pa ang MIAS. Ika-7 taong pagtatanghal naman ni Guinness Book of World Records stunt and precision driver record holder Russ Swift sa MIAS.

Biyernes ng gabi isinagawa rin sa katabing Philippine Trade and Training Center (PTTC) ang taunang Car of the Year – Philippines  ng Car Awards Group Inc. (CAGI). Ang CAGI ay kinabibilangan ng mga miyembro ng motoring media na sumusubok sa kakayanan ng lahat ng bagong sasakyan na nasa merkado natin. Sumasailalim ang mga sasakyan sa qualitative at technical testing. Sa unang pagkakataon ay nagbigay ang CAGI ng Truck of the Year award at ito’y napunta sa Mazda BT-50 habang ang 2012-2013 Car of the Year naman ay napanalunan ng Mistubishi Mirage GLS M/T.

Congratulations rin sa iba pang mga nanalo!

*****

Belated Happy Birthday kay Gilbert Limjoco ng Kymco Phils.

*****

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM. Inaanyayahan ko rin kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 55 at G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Sapos para colorear


Tagalog Love Quotes – Nagmamahal


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Pokemon para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


“BAHAY KUBO HUGOT”


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>