Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HIWAGA NG JABIDAH MASSACRE

$
0
0

by the sqaureANO kaya ang tunay na motibo ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III nang ungkatin nito ang sinasabing Jabidah massacre sa isla ng Corregidor na naganap mahigit na apat na dekada na ang nakararaan?

Hindi kaya nalalaman ni B.S. Aquino na ang kanyang tatay mismo, ang dati at inasasinang Senador Benigno “Noynoy” Aquino Jr., ang nagpahayag ng pagdududa kung talagang naganap ang sinasabing massacre noong Marso, 1968 sa makasaysayang isla? Sino kayang Ponsyo Pilato ang nagsulsol kay B.S. Aquino, kung mayroon man, na ungkatin ang massacre kahit wala pang malinaw na batayan kung nangyari nga ito?

Ayon sa isang privilege speech sa Senado ng matandang Aquino noong Marso 28, 1968, wala siyang makitang motibo kung bakit kailangang i-massacre ang ilang kabataang Muslim sa Corregidor na ni-recruit para diumano sa isang operasyon sa Sabah, Malaysia. Idinagdag pa niya ‘yung mga naunang sinasabing pinatay o minassacre ay natagpuan at nakausap niya sa Jolo.

“Meanwhile, in Jolo yesterday, I met the first batch of 24 recruits aboard RP- 68. This group was earlier reported missing— or, even worse, believed ‘massacred’ . . . William Patarasa, 16 years old [one of the recruits] denied knowledge of any massacre,” paliwanag ng dating senador.

Sinabi pa niya sa kanyang talumpati: “This morning, The Manila Times, in its banner headline, quoted me as saying that I believed there was no massacre on Corregidor. And I submit it was not a hasty conclusion, but one borne out by careful deductions.”

Sino ngayon ang paniniwalaan natin sa mag-ama? ‘Yung nagpahayag matapos ang malalimang pagsisiyasat o ‘yung mukhang nabulungan lamang ng amuyong? Parang kaya lang inungkat ni B.S. Aquino ang Jabidah ay para hatiin ang opinyon ng bayan kaugnay ng kanyang kakulangan sa pagtugon sa kasalukuyang krisis sa Sabah.

Marami na ang namatay at napeperwisyong kababayan natin sa Sabah dahil sa kabagalan ng kilos ni B.S. Aquino na paalalahanan ang Malaysia na hindi nila dapat abusuhin ang ating mga kalahi sa Sabah. Ang ganitong kabagalan ng pagkilos at ang halos kawalang aksyon ni B.S Aquino sa mga isyung bayan ang dahilan kung bakit nabuo ang salitang Noynoying na ang ibig sabihin ay walang ginagawa kundi tumanga.

* * *
Nangidnap na naman ng dayuhan ang mga Abu Sayyaf at katulad ng dati, hinahabol ng mga sundalo ang mga pusakal na kriminal para papanagutin. Nakasasawa na ang mga ganitong pangyayari. Parang iskrip sa pelikula.

Papaanong mawawala ang kriminal na Abu Sayyaf eh kinukunsinti ang mga iyan ng Moro Islamic Liberation Front na binebeybi naman ng administrasyon ni B.S. Aquino. Kung ang MILF sana ay katulad ng Moro National Liberation Front na ngayon ay binabakbakan ang Abu Sayyaf ay hindi sana naganap ang kahihiyang ito.

Panahon na para gamitan ng kamay na bakal ang mga kriminal na Abu Sayyaf at mga sumusuporta rito.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.