Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KAINIS NA PAULIT-ULIT NG COMELEC

$
0
0

PAULIT-ULIT pa rin ang problema natin sa usapin ng halalan sa kabila ng katakot-takot na gastos ang ipinatupad ng Commission ng Elections o Comelec mula sa kaban ng bayan.

Palagi na lang! Tuwing sasapit ang halalan ay hindi na naalis sa taumbayan ang pangamba ng talamak na dayaan lalo na sa bilangan ng mga boto sa kabila ng samu’t saring polisiya o regulasyon ng Comelec.

Sa ika-9 ng Mayo na ang halalan pero ginagahol pa rin ang Comelec. May nagmamagaling pero salto naman, may nagmamarunong pero palpak naman – makalulusot pa rin ang dayaan.

Sa huli’y mababahiran pa rin ng isyu ng pandaraya ang ating halalan kahit na milyong-milyon na ang ginastos ng Comelec at kahit na kung anu-ano pang pautot ang kanilang ipinatupad.

Dumating pa ang araw na nagtalo-talo ang mga opisyal ng Comelec sa isyu nitong Sen. Grace Poe. Sa harapan ng publiko’y nagpalitan sila ng mga magkasalungat na pahayag.

Ilang beses na rin naantala ang pag-imprenta ng mga balota na tila may hinihintay silang desisyon mula sa Korte Suprema. Tila sigurado itong Comelec na ito na mananalo sila laban kay Poe.

Kamakailan ay itong tinatawag na ‘source codes’ ang sumalto. Karaka-rakang inayos nila ito. Ilang araw lang ang lumipas ay sinabi nilang ayos na ang buto-buto este, ‘source codes’. Di nga?!

Ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang may hawak ngayon ng ‘source codes’. Isang sangay ng ating gobyerno na kung saan ang hepe nito’y Malakanyang ang nagluluklok.

Sa mismong halalan ay tiyak kong marami ang magrereklamo dahil hindi mahanap ang kanilang pangalan sa listahan ng Comelec kahit yaong mga sumalang sa ‘biometrics’.

Asahan na natin ang mga ganitong problema sa ating halalan dahil ngayon pa lang ay kitang-kita na ang kapalpakan ng Comelec. Gumastos lang tayo, pinagbigyan ang pag-iinarte ng COMELEC. Palpak pa rin, promise!

***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Love Quotes Tagalog



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>