Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAULIT-ULIT NA SUNOG AT PAGMAMAHAL SA REMATE

$
0
0

HINDI makapasok ang mga bumbero. Kasi napakakipot ang mga daanan. Kaya naabot lahat ang tahanan ng mga residente.

Nagsimula ang sunog sa mga jumper na nagnanakaw ng mga kuryente. Depektibo rin ang mga gamit, lalo na ang mga electrical wire na gamit sa loob ng bahay, kasama na ang appliances.

Libo-libong pamilya ngayon ang nasa evacuation center. Tumakbo ang mga may puso para tulungan ang mga biktima na mga damit lamang ang naitakbo mula sa sunog.

Ang mga bata, lalong nagkakasakit dahil sa pagka-expose nila sa araw at lamig.

Ang pinakamasama, paunti nang paunti ang namimigay ng tulong mula sa mga nagmamalasakit na mamamayan.

Nagtatapon naman ang DSWD ng mga relief goods sa mga basurahan dahil na-expire na umano o nasira ng baha ang imbak nilang nasabing relief goods.

TAGOS NA TAGOS SA DIBDIB

Anak ng tokwa, paulit-ulit na lang ang mga ito na ating naririnig tuwing may sunog.

Paulit-ulit nating naibabalita. At ang totoo, nakakakonsensya. Ikaw ba naman ang masunugan. Kapag nasunugan ka, daig ka pa ng ninakawan ng mga akyat bahay o hinoldap sa kalsada ng mga kriminal o ng mga kotong cop.

Wala nga namang matitira sa iyo kundi pawang mga abo. Iiyakan mo na lang ang iyong tadhana at kulang na lang na murahin mo ang nagpasimula ng sunog.

MGA KAWATAN

Kung may matira man, maaaring sinikwat na ng mga kawatan na kunyaring tumutulong tuwing may sunog pero ‘yang magsamantala ang pakay.

Minsan ngang nasunugan ang nagretiro nang mediaman at chief photographer ng Remate na si Fenny Pineda.

Kauna-unahan sa ginawa ng minalas na mama ay ilabas ang kanyang mga tangke ng LPG para hindi maabutan ng sunog at sumabog na magiging delikado sa tao.

Bumalik sa kanyang nasusunog na tahanan sa San Juan City at itinakbo ang ilang hindi pa nasusunog na pundar niya.

Kamalas-malasan ba namang, naglaho na parang bula ang kanyang LPG tank dahil dinekwat ito ng mga kawatan.

MAMANG BUMBERO

Mero naman tayong kaibigan na nasunugan din. Nawalan ito ng mga mahahalagang kagamitan, kasama ang medyo malaki-laking halaga ng datong.

Mga bumbero lang ang nakapasok sa nasusunog niyang bahay at ito ang mga pumasok sa parteng hindi nasunog. Wasak ang mga kabinet at nagkalat ang mga gamit at naglaho rin ang mga may halagang pundar nito gaya ng salapi at iba pan nagkakahalaga ng daan-daang libong piso.

Sinuwerte namang ilang bumbero dahil nakapagpundar ang mga ito sa panahon ng sunog. Bahala na kayo, mga Bro, kung ano ang ibig-sabihin nito.

Siyempre, iba pa ang nananakot sa mga negosyante na kakasuhan ang mga ito kapag hindi bumili ng mga pamatay-sunog sa kanila.

KUMILOS VS SUNOG

Ilang tulog na lang, Marso na naman.

Ang buwan ng Marso, mga Bro, ang panahon na tayo’y gingising ng mga awtoridad ukol sa sunog. Naririyan ang halos maghapon na pagwawangwang ng mga bumbero habang umiikot sa bansa para ipaalaala sa atin ang halaga ng pakikipaglaban sa sunog.

Laging mag-ingat sa sunog ang mga mensahe. Kasama na rin dito ang panawagan ng pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa laban sa sunog. Hindi lang mula sa pag-iingat kundi sa aktuwal na ring panahon ng sunog.

Ang totoo, tuwang-tuwa rin ang mga bumbero kapag nakikita nilang nagsasaboy ng balde-balde ang mga mamamayan sa mga sunog.

Mayroon pa ngang mga mamamayan ang nagkakarga ng mga balde-baldeng tubig sa mga trak ng bumbero para makalaman ng tubig ang mga ito.

WALANG REMEDYO?

Ngayon, mga Bro, wala ba kayong napapansin?

Walang katapusan ang mga sanhi ng sunog at kahirapan para labanan ang sunog.

Ang tanong ngayon: nasaan na ang mga remedyo?

Kapag muling nagtayo ang mga nasunugan ng kanilang mga tahanan, gayun pa rin ba ang mga daang makikipot?

Naglipana pa rin ba ang mga may depektong electrical wire at appliance? Ganoon pa rin ba ang pagsasamantala hindi lang ng mga kawatang ordinaryo kundi maging ng mga bumbero?

Hindi pa pinag-uusapan dito, mga Bro, ang mga sunog na gawa ng mga may insurance sa pag-aari at negosyo.

Na dinaraan sa sunog ang kanilang pagkalugi o kawalan ng kita at sa sunog sila nakababawi.

Nasaan nga ba ang mga leksyon at nasaan ang mga kasagutan? Sana mayroon tayong magagawang epektibo laban sa sunog at hindi tayo manatiling nakatali sa kawalan makaraan ang sunog.

***

BINABATI natin ang lahat ng mga bumubuo ng diyaryong REMATE, kasama ang mga reader, dealer, advertiser at marami pang iba.

Dito ako ipinanganak bilang isang hamak na photographer hanggang maging reporter at kasama pa rin nila ako hanggang sa mga sandaling ito.

Salamat po sa inyong pagmamahal sa REMATE, ang ating pahayagan

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>