Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

JEANNIE SANDOVAL, BAGONG PAG-ASA NG TAGA-MALABON

$
0
0

lily's-files-lily-reyesNAGKAROON ng  bagong pag-asa ang mga taga-Malabon dahil may  masasandigan na silang isang babae sa katauhan nitong si Jeannie Sandoval, kandidato bilang vice mayor ng lungsod ng Malabon.

Tiyak daw na maaasahan at may mapagsusumbungan na ang mga taga-Malabon ng kanilang mga problema kapag naging Vice Mayor itong si Jeannie dahil bilang isang babae ay malambot ang puso nito, lalo na sa mga nangangailangan at  naaagrabyado,  bukod pa sa  kinakikitaan ito ng katapangan dahil si Jeannie rin ay  lumalaban sa pang-aabuso sa mga kababaihan at batang babae .

Isinusulong nitong si Jeannie ang Kabuhayan at Kaunlaran Livelihood Program para sa mga kababaihan upang magkaroon ng kanilang sariling negosyo at pagkakakitaan tulad ng bangus deboning, candle making at pagma-massage na in ngayon sa mga health spa.

Bukod sa mga programa, may limang K din daw itong si Jeannie para sa mga taga-Malabon.

Kakampi ng Kababaihan, Kakampi ng Kabataan, Kakampi sa oras ng sakuna at pangangailangan, Kakampi ng mamamayan na nais ang pagbabago at progreso at Kakampi ng mga Maralita. Bukod pa rito ‘yung dagdag na 2K pa, ang Kagandahan at Kagalingan na siyang asset ni Jeannie sa kanyang pangangampanya.

Naging katuwang ni dating Congressman Ricky Sandoval ang asawang si Jeannie sa programang pang-edukasyon sa pamamagitan ng scholarship, pagpapatayo ng mga gusali ng silid-paaralan at computer laboratory sa mga kabataan.

Sa oras ng sakuna at pangangailangan at sa mga oras ng kalamidad, gaya ng bagyo, sunog, mga pagbaha, nakaalerto at nakaalalay si Jeannie sa pamamagitan ng kanyang mga medical assistance, tulong pinansyal, at relief operation. Noong panahon ni Cong. Ricky Sandoval, taong 2004 ay katuwang  nito si Jeannie sa mga planong pagsasalungsod ng Malabon at siyang naging dahilan para tumaas ang Revenue Allotment ng hanggang P70 million taon-taon.

Kakampi ng Maralita, at nakaagapay ito sa mga pangangailangan at pagtulong sa mga kapus-palad at maralitang taga Malabon bukod pa sa planong pabahay at maliit na negosyo para sa mga kalugar.

At bilang vice mayor, kuwalipikado rin si Jeannie upang mamuno sa City Council dahil sa taglay nitong karanasan at kahusayan sa paglilingkod nila ni dating Cong. Sandoval kaya siguradong maaasahan ito sa paggawa ng mga batas (ordinansa at resolution) para sa ikababago at ikauunlad ng nasabing lunsod.

Suyang-suya na ang mga taga-Malabon sa mga pangakong napapako at mga gawaing tiwali sa pamahalaang lungsod kaya susubukan naman daw ng mga taga-Malabon ang isang babae, isang ginang at isang ina sa katauhan nitong si Jeannie Sandoval.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.