PAPAALIS na lamang sa puwesto, ayaw pa ring tumino ni Don Benigno Aquino III (BSA3)!
Ang Pebrero 25 ay araw ng paggunita sa nangyaring mapayapa na rebolusyon sa EDSA noong 1986. Katulad sa iba pang makasaysayan na araw ng paggunita, DAPAT, doon lahat nakatuon ang pahayag ng sinoman na magsasalita.
Mismong si Aquino ang nagsabi, hindi dapat kalimutan ang tatak ng Martial Law noong panahon ng diktaduryang rehimen ni Ferdinand Marcos.
Ang mga pasakit, pahirap, pagpatay at pagkawala ng mga indibidwal na tutol sa batas militar at diktadurya.
Pero ano ang kanyang pinagsasabi noong siya na ang nagsalita? Puro pangangampanya para sa kanyang partido ILIBERAL at mga personal na tirada kontra sa mga Marcos, lalo na kay vice presidentiable BONGBONG MARCOS!
Sa kabuuan, binastos ni Aquino ang dapat ay paggunita ng kadakilaan ng pagbalik ng kalayaan dahil sa 1986 EDSA People Power 1 (EPP1). Ni hindi nga niya pinaimbita ang mga tunay na personalidad noon dahil “kaaway” raw kasi ng nanay niya. Kaya naman, masunuring anak, ang kaaway ng nanay niya ay kaaway niya rin?
PUNYETANG patakaran at sistemang makasarili kayong mga Aquino. Totoo nga ang sinabi ni Senate Minority Leader JUAN PONCE ENRILE, “Wala kayong pinagkatandaan, walang utang na loob at nananatiling mangmang sa paghawi ng kasaysayan.”
Kabastusan ang nangyari sa paggunita ng 1986 EDSA People Power. Noon pa man si Cory Aquino ang namumuno, sinalsal na niya masyado ang kasaysayan. Inalis ang mga tunay na taong nagsulong at mga nakatulong sa kanyang pag-upo sa Malacañan!
Bilib nga tayo kay dating Pangulong Fidel V. Ramos. Madiplomasya dahil ang tanging gusto niya ay manatili sa isip ng bawat Filipino ang nangyari sa EDSA noong Pebrero 25, 1986.
Nakausap din natin ang ilang empleyado ng mga ahensya ng pamahalaan at pamahalaang lokal, ginawa raw silang panakip butas at parang tanga na bawal magkomento?
Isa pa, bakit ipinag-utos sa kanila na magsuot ng dilaw na t-shirts o damit? Bakit? Hindi naman kulay’yun ng ating bandila! BALETODO/ED VERZOLA