Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SIBAKIN SA POST OFFICE

$
0
0

MAGSISILBING isang “kalawang” sa magandang imahe ng Batangas City Post Office at Philippine Postal Office ang ipinakikitang masamang pag-uugali raw ng isang opisyal ng nasabing city post office.

Ang inginungusong opisyal ng mga nagrereklamo ay isang nagngangalang GERALDINE GO. Kababaeng tao pero napakabantot naman ang pag-uugali nito dahil kung manigaw umano ng taong nakikipagtransaksyon sa nasabing post office, partikular na ang mga taong nagpapadala ng mga registered mail with return card, ay gayun na lang.

Ang matindi rito, kapag hindi nasunod ang gusto ni Ma’am Go, na four lines at block type lang ang nakasulat na address at ‘pag mahaba ang address, asahan mong nakasigaw na ang gestapong opisyal na ‘yan at ipagduduldulan ng mga daliri nito ang patalastas o notice sa mga kliyente na nakikipagtransaksyon.

Ang siste pa, hindi tinatatanggap o ipinarerehsitro sa mga tauhan niya ang mga registered mail kapag ‘di sinunod ang kanyang instraksyon, ultimong ang ‘di pagtapat-tapat ng letra sa address o konting pagkakamali at medyo may kahabaang address ay nire-reject din nitong si Gerladine Go alyas Ma’am Gestapo.

Bukod pa roon, hindi rin nito tinatanggap para mairehistro ang dapat ay iparerehistrong registered mail kapag hindi pinalitan ng bagong sobre kapag may lumabis sa four lines na address kaya kinakailangan pang bumili ng panibagong sobre ang mga postal office client sa pinakamalapit na tindahan na halos ay mahigit pa sa isang kilometro ang layo sa post office.

Ang problema nga ng mga kliyente ay kung saan sila makahahanap ng tindahan para bumili ng bagong sobre at maoobliga ang mga ito na libutin ang buong downtown sa Batangas City. Sa paghahanap pa lang ng sobre ay halos pagpapawisan na ang buong singit ng mga kliyente.

Walang paki-pakiusap kay Ma’am Go, kailangan ay sundin ninyo ang kanyang batas,(aba’y daig pa nito ang hari), at ito’y four lines lang ang address at block form at hindi maaaring mahaba ang address na nakalagay sa sobre na dapat ay iparehistro through registered mail. Hindi rin pwede na empleyada ng postal office ang magsusulat ng area code kundi ang kliyente mismo ang magsusulat.

Ano kaya ang masasabi rito ng mga bosing sa Post Office?

***
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog @yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Lagarto para colorear


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>