Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

‘WAG NAMAN [SANA] SA PANAHON NATIN

$
0
0

MULING uminit ang usapin sa malawak na karagatan na inaangkin ng Tsina laban sa mga karatig nitong bansa tulad ng Pinas.

Ipinakikita ng Tsina ang kanilang determinasyon na ituloy ang kanilang pananakop sa nasabing rehiyon sa kabila ng kabi-kabilang reklamo na inaabot nito mula sa mga bansa sa Asya.

Nakatatakot ang kilos na ito ng Tsina pero mas nakatatakot ang kilos ng bansang Amerika na ilang beses nang nagbigay ng mga matitigas na pahayag laban sa mga singkit na ito.

Tanong: Lahat ba ng bansa na mayroong isyu sa ibang bansa na pinakikialaman ng Amerika ay nanatiling kalmado o payapa? Kapag nagsalita na ba ang Amerika ay tumatahimik sa naturang mga bansa?

Huwag na ninyong sagutin dahil malinaw naman na ang kasagutan sa tanong na ito ay HINDI. Kaguluhan o giyera ang kasunod kapag pumasok na sa eksena itong Amerika.

Ito ang nakatatakot. Natatakot ako hindi para sa akin kundi lalong higit sa ating mga anak dahil alam naman natin na hindi biro ang anomang uri ng digmaan lalo na sa panahon natin ngayon.

Ngayon na katatapos lang ng pulong ng Amerika sa mga lider ng bansa sa Asya ay natitiyak kong mayroon na itong nailatag na plano sakaling igiit ng Tsina ang kanilang kabaliwan sa West Philippine Sea.

Natitiyak kong ang nakahandang hakbang ng Amerika ay hindi kapayapaan kundi isang malaking digmaan dahil diyan nabubuhay ang ekonomiya ng bansa ni Uncle Sam – giyera rito, giyera roon.

Ang masakit pa nito, ang ating katayuan sakaling mauwi sa digmaan ang gusot na ito. Nariyan lang sa ating tabi ang bansang Tsina na baka ‘pag gising natin ay nariyan na sila sa ating mga bakuran.

Kaya sa ating mga kababayan… dahan-dahan sa pagbalangkas ng desisyon sa isyu na ito dahil maliwanag pa sa sikat ng araw ang posibilidad na mauwi ito sa digmaan na ang makikinabang ay ang bansang Amerika.

***
Para sa komento o sumbong: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Lagarto para colorear


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>