Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KATAUHAN NI TITA CORY ANG NAKIKITA KAY LENI

$
0
0

SA anim na naglalaban-laban sa pagka-Bise Presidente, tanging si Camarines Sur Rep. Leni Robredo ang kaisa-isang kandidatong babae sa May 9, 2016 election. Dahil dito, pinaniniwalaang kinakabog na raw ang mga dibdib ng mga bruskong kalaban ng nasabing kongresista sa pagka-Bise-Presidente.

Kaya sunod-sunod na ang mga paninirang ginagawa sa kongresista dahil sa nagtala na si Leni ng one percent sa four percent sa mga survey nang siya ay magdeklarang tatakbong bise-presidente kumbaga dati ay no-pansin siya sa mga kalaban niya, (ewan ko). Hehehehe.

Alam ba ninyo ngayong humahataw na si Robredo sa 19 percent sa kanyang huling mga survey kaya may tyansa pa siyang humabol sa natitira pang 60 days na medyo mahaba-haba pa ring kampanyahan ang natitira?

Marahil ito na ‘yung bunga ng pagkakaunawa ng mga tao sa magandang karakter ni Robredo mula sa mapagpakumbabang pagkatao at kanyang rekord bilang abogada na sa loob ng mahigit na sampung taon, ay nagbigay ng libreng serbisyong legal sa mga magsasaka, mangingisda, maralitang-lungsod, babaeng inabuso at iba pang kapus-palad.

Ngayon pa lang tinitiyak ko, hindi na magkanda-utot-utot ang mga kalaban ni Leni dahil nagpahayag pa ng suporta sa kanya ang apat na anak ni Tita Cory na sina Balsy, Viel, Pinky, at pati na ang kinikilalang pangunahing star ng TV at entertainment world na si Kris Aquino.

Aba, napakalaking bagay ang suporta ng Aquino sisters, lalo pa’t ayon kay Balsy, ay parang nakikita niya ang kanyang yumaong ina sa katauhan ni Leni. “Katulad ng aking ina, si Leni ay isa rin lang housewife ngunit kapwa sila naniwala na kung dumating ang oras na may dapat silang gawin para sa bayan, hindi sila makahaharap sa salamin kapag tinalikuran nila ang pagkakataong maglingkod.”

Gaya ni Leni, hinangad din daw ng kanyang ina na maging abogada ngunit hindi na niya nakamit ang pangarap na ito. Kung lilimiin, ang pagkakatulad ang dalawa ay parehong produkto ng EDSA People Power Revolution at parehong very powerful ang kanilang mga binabangga.

Pareho silang naging balo at parehong napasabak lang sa pulitika dahil sa pagkamatay ng asawa ngunit bago iyon ay kapwa silang mga simpleng maybahay lamang. Kaya pareho ring minamaliit ang kanilang kakayahan dahil mga wala umanong karanasan sa pagpapatakbo ng gobyerno. Higit sa lahat, hindi maluho si Leni. Simple lang si Leni hindi siya magarbo!!!

***
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>