Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PROBLEMA SA MRT, PANGGIBA KAY ROXAS

$
0
0

ALAM nating lahat na palpak ang Metro Rail Transit..

Kaso, ang nakadagdag-problema ay hindi natumbok ang tunay na may kasalanan sa problema ng MRT.

Ang kinastigo nang kinastigo sa media sa loob ng halos 2 taon ay sina Department of Transportation and Communications (DOTC) Sec. Joseph Emilio Abaya at MRT-3 General Manager Roman Buenafe na kung uugatin ay hindi sila ang gumawa ng kapalyahan sa MRT.

Naniniwala ang mga eksperto sa transportasyon na mayroong mga tao/kumpanya na sadyang nililihis ang isyu upang pagtakpan ang kanilang nagawang krimen sa MRT.

Ang nakapagtataka sa kaliwa’t kanang banat ng ilang kasamahan namin sa media ay hindi inuupakan o tinatanong man lamang ang Metro Rail Transit Corp. (MRTC) at Metro Rail Transit (MRT) Holdings II na kontrolado ni Robert Sobrepeña at ng Japanese company na Sumimoto kung bakit nauwi sa walang humpay na kapalpakan ang operasyon ng MRT na kanilang pag-aari.

Nagtataka ako kung bakit halos sabay na ‘bumabaril’ sina Jarius Bondoc ng Philippine Star at Pilipino Ngayon at Ted Failon ng ABS-CBN laban kina Abaya at Buenafe. At ang ‘pamamaril’ ng dalawa ay umaabot kay Secretary Manuel “Mar” Roxas II, naging hepe ng DOTC bago napuntang Department of the Interior and Local Government na ngayon ay siyang presidential bet ng Liberal Party.

Walang problema kung batikusin nang batikusin nina Bondoc at Failon sina Abaya at Buenafe, ngunit kunin man lamang nila ang panig ng dalawa sa ngalan ng patas na pamamahayag.

‘May kulay’ at ‘masamang pakay’ tuloy ang ipinakikita at pinatutunayan ng birada ng dalawang journalist sa MRT.

Kung tama ang aking matematika, umaabot na sa 2 taon ang mga banat kina Abaya at Buenafe, pero hindi naging paksa ang papel ni Sobrepeña at ng Sumimoto—na kung pag-aaralang mabuti ay malaki ang posibilidad na sila ang pasimuno ng kaliwa’t kanang problema ngayon sa MRT-3.

Tingnan ninyo, ang supplier ng mga conveyor na escalator at elevator ng MRT-3 ay ang Sumimoto na nasa ilalim ng Contract Document na may titulong “Performance Requirements” (PRs) noong Mayo 1996.

Ang alam ko, may obligasyon ang Sumimoto na gumamit ng “Service Proven Design” at “Service Proven System Technology” sa mga conveyor pero nang magsimulang hindi gumana ang mga escalator at elevator ay ayaw gumastos ni Sobrepeña at ng Sumimoto para ipaayos ang mga ito.

Isa sa mga sub-contractor ng Sumimoto sa MRT ay ang Czech manufacturer na CKD Tatra na natuklasang ibinenta sa Konsolidacní Banka noon pang Enero 29, 2000 matapos ideklarang bangkarote na.

Kaya paano hindi papalpak ang operasyon ng MRT tulad ng “rolling stock and signaling system” na nakasaad sa kontrata na dapat tumagal ng 25 taon.

Marami pang mabubusisi sa kontrata ng MRT sa kompanya ni Sobrepeña at ng Sumimoto na hindi nabigyang linaw ng mga tigasing mamamahayag na sina Jarius Bondoc at Ted Failon.

Dapat hindi gamiting panggiba kay Mar Roxas ang problema sa MRT o kaninumang politiko dahil ang isyu ay nawawalan ng katuturan. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>