TULOY-TULOY na at hindi na talaga maawat ng kahit sinoman ang pamamayagpag ni Sen. Grace Poe sa pre-election presidential survey dahil lalong humahataw ngayon ang rating niya matapos tiyakin ng Korte Suprema na wala nang balakid pa sa kanyang pagtakbo.
Syento por syento na lalo pa itong aangat ngayong linggo ito matapos na marinig at masaksihan ng publiko ang galing ni Grace sa pakikipagdebate sa kanyang mga kalaban sa pinakahuling presidential debate na inere ng TV5 nitong nakalipas na dalawang linggo.
Halos tumaas nang dalawang puntos si Grace sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na kinomisyon ng giant network na ABS-CBN na mula sa dating 26 % noong March 8 to 13 ay tumaas ito sa 28% nito namang March 15 to 20 ang survey na nagpapahiwatig na lalong tumitibay ang tyansa ng senadora na mahalal bilang susunod na Pangulo sa Mayo 9 dahil sa mga ipinamamalas nitong galing laban sa kanyang mga katunggali.
Kahit pa sabihan ng mga kalaban niya na bagito at isang babae siya, pero kitang-kita naman ng madlang-pipol na hindi basta-basta nagpapasindak ang nasabing senadora.
Aba’y bukod sa palaban ay hindi rin kayang paatrasin si Grace ng kanyang mga kalaban na nang-iinsulto o nanghahamak at kumukwestyon sa kanyang mga kakayahan.
Sa ipinamalas na lang ni Grace sa debate at sa pagharap niya sa publiko sa halos araw-araw na pangangampanya niya sa iba’t ibang panig ng bansa, ay isa-isa niyang nahahatak ang publiko para iboto siya sa mismong araw ng eleksyon na ‘yung mga dating na nang-iinsulto ay napabibilib niya.
Ang tanging pag-iingatan na lang ng kampo ni Grace ay ang bantayan nila kung paano nila matitiyak at masisiguro na hindi mananakaw o madadaya ang kanyang boto sa araw ng eleksyon.
Kaya nga ang usap-usapan ngayon sa mga umpukan, maging sa mga inuman at kapihan, mukhang tuluy-tuloy na ang pangunguna nitong si Grace hanggang sa mismong araw ng eleksyon.
Kumbaga hindi na talaga maawat ang pag-angat ni Grace sa lahat ng mga survey at mismong sa darating na eleksyon na siya na ang tinitiyak na susunod na Pangulo ng Republika ng Pilipinas
oOo
Anomang puna o reklamo i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
