Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NBI PUGAD NA NG MGA TANGA AT KORAP

$
0
0

ANG dating tinitingala at pinagkakatiwalaang ahensiya ng pamahalaan pagdating sa paghuli ng mga kriminal at pagresolba ng mga kaso, ngayo’y tanggapan na raw ng mga tanga at pulpol na law enforcer.

Ang tinutukoy ko ay itong dating prestihiyosong National Bureau of Investigation na nasa ilalim ng Department of Justice. Pero ngayon ay tila hindi na, dahil wala na itong nareresolbang mga kaso lately at puro illegal gambling na lang ang inaatupag na hulihin.

Biyernes ng gabi nang lusubin ng sandamakmak na agents ng NBI-NCR Division na naka-full battle gear at bullet proof vests pa ang isang cockfighting arena sa Mabalacat, Pampanga.

Ayon sa aking impormante, hinuli ng mga kolokoy na agents, sa pangungunga ng isang Agent Rommel Ramirez, ang ilang mga kumukuha ng video ng sabong doon.

Ang sabi raw ni Ramirez, sangkot silang lahat sa illegal gambling sa internet pero hindi niya maipaliwanag kung paano. Si Ramirez ay minsan ng na-relieve noon dahil sa isang kwestiyunableng operation na nauwi lang umano sa aregluhan.

Ayon sa anti-cybercrime law, hindi bawal ang pagkuha ng video ng anomang sporting event at pagpapalabas nito o ‘yung tinatawag na “live streaming” basta’t ito ay for entertainment purposes lang sa internet.

Alam ni Ramirez at ang boss niya na si Atty. Max Salvador na madidismis lang ang kaso sa Korte dahil wala silang matibay na ebidensiya, dagdag pa ng aking espiya sa loob ng NBI. Pero nakapagtataka raw na pinagpipilitan ng dalawa na may krimen o kaso ang mga kumukuha ng video ng mga oras na iyon. Malamang daw na kung hindi lasing marahil ay bangag ang agents na ito.

Hindi pa rin malinaw kasi ang implementing rules and regulation o IRR ng cybercrime law kaya kadalasan nadidismis lang ang kaso pagdating sa illegal activities sa cyber space.

Ang masaklap, nagagamit ng ilang law enforcement agency ang batas na ito para mangotong. Kung papaano, ’yan ang ating tatalakayin sa susunod na edisyon.

Sa pagpasok ng bagong gobyerno sa July 1, dapat ay balasahin ng bagong Pangulo ang buong NBI at alisin ang mga pulpol na mga agent tulad ni Ramirez at maging mga opisyal gaya ni Salvador na bopol para muling manumbalik ang tiwala ng mga tao sa ahensiya.

Sayang itong NBI. DEADSHOT/ERWIN TULFO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>