Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SAPAT NA SUPORTA, IBIGAY SA MGA NAULILA NG MGA KAWAL

$
0
0

IKINALUNGKOT ni Senatorial bet Richard Gordon ang pagtambang ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa mga miyembro ng Philippine Army noong Sabado na ikinamatay ng 18 sundalo at ikinasugat ng 56 iba pa sa Tipo-Tipo, Basilan.

Ayon kay Gordon, dapat tiyakin ng gobyerno na may sapat na suportang ipagkakaloob sa mga naulilang pamilya dahil ang mga kawal ay nagsilbing mabuti sa bansa laban sa mga elementong hindi sumusunod sa batas.

Para sa senador, nakalulungkot ang patuloy na hidwaan sa ilang bahagi ng Mindanao na sa kakulangan ng mabuting pamamahala at kabiguang magpatupad ng mga wastong polisiya ay nabansot ang paglago at pag-unlad ng rehiyon kaya nananakawan ng mabuting oportunidad ang mga tao roon na napipilitang mag-armas, mangidnap at gumawa ng iba pang krimen upang mabuhay.

“Panahon na upang magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao. Hindi natin ito malulutas sa legalidad o digmaan ngunit kung magkakaroon ng kaunlaran doon, kung matutulungan ang mga tao na maani ang kanilang pananim upang mabuhay nang disente, hindi na nila kailangang mag-armas at maging kidnaper,” diin ni Gordon.

Idinagdag ng kandidatong senador na si Presidential bet Sen. Grace Poe na dapat gawin ng gobyerno ang trabaho nito na magkaloob ng mabuting edukasyon sa pagtiyak na kuwalipikado ang mga guro roon at may mga paaralan, hadlangan ang rido at suportahan ang agrikultura upang kumita ang mga magsasaka sa kanilang ani.

“Kung matuturuan lang ang mga magsasaka roon kung paano ang epektibong paglipol sa mga daga na salot sa kanilang pananim, baka mababawasan ang kidnapping, pagpugot at armadong hidwaan,” dagdag ni Gordon. KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>