Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MEDIA BLACKOUT AT HUMAN RIGHTS SA GIYERA

$
0
0

HINDI kaya gumagawa ang gobyerno, partikular na ang militar, blackout sa media kaugnay ng giyera sa Basilan?

Kaugnay ito, mga Bro, nagbabala ang militar sa mediamen na iwasang pumunta sa Basilan alang-alang sa kanilang kaligtasan.

Hanggang Zamboanga City na lamang umano ang mga ito at dito na lang sila sasagap ng mga balita o bigyan ng balita ng military at pulis.

Matatandaang 18 sundalo at limang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang unang nasawi sa pagsiklab ng digmaan ilang araw na ang nakararaan.

Ngayon ay dumarami ang namamatay sa pagitan ng dalawa habang nagpapatuloy ang giyera.

LIBO-LIBO LUMILIKAS

Habang nagaganap ang digmaan, libo-libo nang sibilyan ang lumilikas upang hindi madamay sa kaguluhan.

Normal na nagaganap ito subalit dapat na bigyan ito ng kaukulang pansin.

Kung gaano ang pagpapakita ng mga awtoridad ng pagmamalasakit sa mediamen, dapat ganito rin ang ipakita ng mga ito sa mga sibilyan.

Mismong ang militar ang nagsasabing kaya nakauugat at may mga sumasapi sa mga terorista ay dahil sa kapabayaan ng gobyerno sa mga ito. At kasabay nito ang tila pakinabang din ng mga mamamayan sa ASG sa pamamahagi ng mga ito na bunga ng kanilang gawaing “kidnap-for-ransom.”

KADUDA-DUDA

Sa pagsubaybay ng media sa mga digmaan sa bansa, kalaban ng mga pulis o sundalo sa mga New People’s Army o alinmang grupo sa Mindanao sa iba’t ibang bahagi ng bansa, maraming balita ang binabaluktot o hilaw.

‘Yun bang === may mga nagsisinungaling at ito ang pinagmumulan ng napakaraming dagdag na kaguluhan.

Halimbawa ang kinoberan ni kapatid na Erwin Tulfo kamakailan lang sa Basilan mismo.

May nagsasabi na hinuli sila ng militar kahit hindi sila miyembro ng ASG bagama’t miyembro umano ng Moro Islamic Liberation Front.

Matinding tortyur umano ang inabot ng mga ito at may mga pinatay pa habang tinotortyur.

Tanong: tama ba na walang pupunta na mediamen sa Basilan o sa gitna ng mga labanan?

O, sa halip na pagbawalan silang mag-cover, hindi ba dapat na hayaan lang ang mediamen na gawin ang kanilang trabaho?

NO MAN’S LAND

Tanggapin man o hindi ng mga awtoridad, mga Bro, kapag may mga digmaan sa pagitan ng mga sundalo at pulis laban sa kung sinomang itinuturing nilang mga rebelde o terorista, nakaugalian na ang pagdedeklara ng una ng “No Man’s Land” sa mga apektadong lugar.

Bawal ang sinomang sibilyan na pumasok sa erya ng No Man’s Land. Mamamatay o mabibilanggo ka… at matortyur kung mahuli ka.

Isa pa, ang iyong mga tahanan, pananim, hayop, gamit at iba pa ay maaaring sunugin, sirain, lamunin at iba pa ng sinomang may kontrol sa lugar.

At ito ang isang napakalaking dahilan kung bakit marami ang nagrerebelde hanggang sa humantong ang lahat sa mas malawak at mabangis pang digmaan.

Tanong: ang mga ito ba ang dahilan kung bakit bawal ang mediamen na magkober sa digmaan?

LABAN SA PANG-AABUSO

Sa digmaan, gaano man kabangis ito, mga Bro, mandato ng alinmang panig ng mga naglalabanan ang pagpapairal ng makataong laban.

‘Yun bang === ang karapatang pantao ay pinaiiral sa gitna ng mga patayan sa giyera, lokal man o internasyonal, at kabilang ang Pilipinas sa mga bansang sumang-ayon at nag-apruba nito.

Halimbawa, ang nasugatan ay dapat na gamutin, ang namatay ay ‘di dapat na bastusin kundi ilibing nang tama at ang nahuli ay dapat na bihagin sa nararapat niyang kalagyan.

Ito ang hiling maging ng mga nasangkot sa pagkuha kay Marwan noon sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 at ikinasugat ng kulang-kulang sa 20 na miyembro ng Special Action Force ng pulisya.

Pero sa Pilipinas, napakaraming kaso ang pang-aabuso o paglabag sa mga patakaran sa digmaan.

Ang pagkober ng media sa ganitong sitwasyon ay makababawas sa mga paglabag sa karapatang-pantao at makatutulong sa magkabilang panig sa labanan upang umayon ang mga ito sa batas ng labanan o rules of engagement kung tawagin.

Ngayon, tama ba na pagbawalan ang media na kumober sa labanan?

GUTOM AT HIRAP

Sa hanay ng mga evacuee, mga Bro, maraming kaso ang nakalulungkot na balita.

Andiyan ang gutom, ang hirap at marami ang pagkakataon na may ibinibilanggo sa suspetsang mga supporter ang mga ito ng mga kalaban ng gobyerno.

Habang nakabilanggo ang mga ito, marami ang pinagbabawalang tumanggap ng mga bisita.

Maging ang mga abogado ay tinatanggihang makabisita sa mga ito. At sa ilang pagkakataon, may mga nawawala at sa kalaunan, itinuturing nang mga nawawala.

Kung pagbawalan mo ang media na kumober sa mga kalagayang ito, saan hahantong ang lahat?

BLACKOUT

Ang suma-tutal ng pagbabawal sa media sa Basilan ay isang anyo ng media blackout.

Paano ang pantay, buo at tamang pagbabalita ukol sa pangyayaring kinasasawian at ikinahihirap na ng maraming Filipino?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Top 100 Tagalog Love Quotes Collections Online


CHECKPOINT RULES


PreSonus FireBox


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.6.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>