NAGING matagumpay na naman ang naganap kamakailan na media forum ng Kapihan sa Camanava sa Max’s Restaurant sa EDSA, Caloocan City na in-organize ng ating kapatid na si Mina Paderna, ang publisher ng Agila ng Bayan at isa sa mga founding member ng Camanava Press Corps.
Regular na dinadaluhan ng mga mamamahayag sa Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenazuela) area, ang ‘Kapihan’ sa ikatlong pagkakataon ay naging ‘exciting’ lalo na sa mga media men dahil kanilang personal na nakunan ng pahayag itong si ex-Caloocan mayor Cong. Enrico ‘Recom’ Echiverri, na pangunahing katunggali ngayon ni incumbent Mayor Oca Malapitan sa mayoral race sa darating na May 9 elections, sampu ng kanyang ‘Recom Team.’
Kasama rin nito si Councilor Susan Punzalan na pambato ng kanyang team bilang kandidato sa Kongreso sa District 1 at ang ‘bumabalik’ na si ex-Congresswoman Mitch Cajayon para naman sa District 2 ng lungsod.
Malaki ang paniniwala nitong si Cong. Recom na kaya niyang makabalik sa lungsod bilang alkalde na siya niyang hinawakan sa loob ng siyam na taon o three terms dahil, aniya, mas marami siyang programa at mga proyekto na naisagawa at patuloy na pinakikinabangan ng mga mamamayan.
Hinamon pa nito si Mayor Oca sa isang public debate upang, aniya, ay malaman ng lahat lalo na ang mga lokal na botante ng lungsod ang kanilang plataporma at maging matalino sa pagpili ng mga kandidato na mamumuno sa Caloocan.
Tunay na exciting ang magiging halalan sa lungsod dahil sa dalawang political personalities na ito na pareho namang ‘di matatawaran ang galing at dedikasyon lalo sa pagsisilbi sa taong-bayan.
Mas nakatutuwang isipin kung lalo silang mangunguna na gawing makabuluhan at tahimik ang nagaganap na kampanyahan at lalo silang mag-level up at walang violence na magaganap ‘di tulad ng ilang katabing lungsod na pinaiiral na ang dahas para iparamdam na kanilang pag-aari ang lungsod.
Iyan ang mga ganid sa posisyon, ika nga, ‘power corrupts, absolute power corrupts absolutely!’
TEAM BUILDING NG QCPC AT CAMANAVA PRESS CORPS
Congrats kay Pangulong Rio Araja (The Standard) ng Quezon City Press Club sa kanyang mahusay na liderato at kitang-kita ito sa ginanap kamakailan na outing at teambuilding activities ng grupo kung saan mapalad na nakasama ang inyong lingkod sa Bato Spring Resort sa San Pablo, Laguna.
T’yak na naging kapaki-pakinabang ang mga isinagawang teambuilding activities lalo na sa mga members nito at naramdaman iyan sa kanilang ipinakitang interes sa paglahok na kanilang maaaring mai-apply kung sila ay nagsasagawa ng isang proyekto.
Ganoon din ang siguradong magaganap sa darating na summer outing ng Camanava Press Corps, kung saan pangulo ang inyong lingkod, sa Abril 23-24 sa Molino Beach Resort sa Iba, Zambales.
May inihanda rin kami na mga activities na siguradong mai-enjoy ng mga m’ymbro nito at magiging kapaki-pakinabang sa interes ng organisasyon dahil maipakikita dito ang mahahalagang objectives nito lalo ang cooperation, coordination at communication.
So let’s enjoy! GOOD RIDDANCE/ARLIE CALALO
