Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GRACE POE-FPJ HISTORY REPEATS ITSELF

$
0
0

PINANGANGAMBAHANG maulit muli ang nangyari kay action king Fernando Poe, Jr. na natalo sa halalan bilang Pangulo ng Pinas.

Base sa bulong ng ating uzi, parehong-pareho ang sitwasyon na nagaganap sa kampo ni Grace Poe.

PANSARILING INTERES

Kadalasan ay nauuna lagi ang pansariling interes ng mga tao sa paligid nito bago pa ang interes ng kanilang presidentiable.

Unahin na nating ihalimbawa si Chiz Escudero na kinasusuklaman sa kasalukuyan ng mga tao sa paligid ni Grace Poe.

Sapilitang pinakialaman ni Chiz ang PR strategy ni Grace kaya hayun napikon ang pamilya Llamanzares kaya tsugi na si Chiz.

Sa madaling-salita, Poe-Tri na ang sigaw sa bakuran ng Llamanzares.

GAWA NG PR NI POE

Ooops! Pero ano naman itong ginagawa ng mga PR ni Grace Poe sa Senado?

Nang mawala si Chiz sa PR strat ni Grace ay mukhang biglang uma-lagwa naman ang mga nakadikit kay GP na hindi makaporma noong una.

Lingid sa kaalaman ng nakararami may sarili ring PR arm si Neal Llamanzares, asawa ni GP na tumutulong din.

Pero laking gulat nito nang malaman sa executive ng isang diyaryo na kahit na asawa pa ni GP ang nagpabigay ng press release, eh, hindi raw ito maaaring tanggapin dahil may bilin daw ang tauhan ni GP na si JSD na kapag hindi sa kanya mismo galing ang release ay huwag daw tatanggapin kahit na positive story pa ito sa kanyang amo.

Tsk! Tsk! Tsk! Grabe Ma’am Grace, kaya pala lalo kang nakakanal dahil napapaligiran ka talaga ng mga gago.

PONDO ANG KAILANGAN

Ang galing nga naman ng style.

Kapag walang lumabas sa mga diyaryo na magandang istorya, malamang ang sasabihin sa’yo eh, “Ma’am, kailangan na ho nating pondohan ito.”

For your information Ma’am Grace, marami ho ang handang tumulong sa inyo nang walang bayad, in English… For love of country.

Hindi ho gaya ng mga PR n’yo na… For love of pocket. Kaya huwag ho kayong masyadong magpapaniwala r’yan sa mga gago sa paligid n’yo.

PONDO NI FPJ IBINULSA

Ganyan din ang nangyaring diskarte noong post election operation ng tatay n’yong si FPJ.

Sa halip malaman ng taumbayan kung ano ang tunay na sitwasyon sa bilangan ay nabulag na lang ang karamihan dahil ibinulsa ng isa sa kanyang malapit na kaibigan ang PR funds.

P2-milyon ang pinalabas ng isang doktor na malapit kay FPJ para gamitin sa PR sa bilangan ng balota.

Sa halip na gastusin ibinulsa ng kaibigan ni FPJ na kilala sa tawag na Mr. Clean ang pondo. Hayun diretso kanal si FPJ at sangkatutak na bukol na lang ang inabot nito.

Kung hindi ba naman talaga mga gago ang ganitong uri ng tao mas inuna pa ang sariling bulsa bago ang kapakanan ng kanilang mga amo na umaasang makararating ang pinawawalan nilang pera.

Pusang gala! Hindi pa nanalo mga amo n’yo boundary na kayong mga letse kayo!

Kaya, Ma’am Grace, huwag kang tutulog-tulog kung hindi ay siguradong sa pansitan ka rin pupulutin, dahil sa kawalang-hiyaan ng mga tauhan mo!

ZERO SI PNOY

O ano ang nangyari sa pagmamalaki ni Pangulong Noynoy na dapat pantayan ng susunod na Pangulo ang kanyang mga nagawa?

Sa pinakahuling sarbey kasi ng Social Weather Station, mga Bro, bumagsak sa ZERO ang +32 satisfaction rating ni PNoy sa Metro Manila.

Wala ni sinomang happy kay PNoy sa Metro Manila. Kahit sa buong bansa, lumagpak din ang satisfaction rating ni PNoy mula sa +32 sa +27.

Sa Visayas, walong puntos ang ikinabagsak ni PNoy at sa Mindanao, isang punto.

WALANG NANINIWALA

Sa ibang salita, mga Bro, wala nang naniniwala sa mga pinagsasabi ni PNoy na umunlad at naging maayos na ang mahal kong Pinas sa kanyang pamamahala.

Wala o kakaunti na lang ang naniniwala sa kanyang Matuwid na Daan. At kahit hindi inilalabas sa bibig, lahat na’y nagsasabing Matuwad na Daan ang totoong umiiral sa Metro Manila.

Tila nagkakatotoo pa nga ang kasabihang “hampas sa tao, latay sa kabayo.”

Ang ZERO at bagsak na grado ni PNoy ay hampas at latay sa kabayo niyang si Mar Roxas?

FLAVOR OF THE MONTH

Sa kabila ng bagsak na rating ni PNoy, sinasabi ni Mar Roxas na sa susunod na buwan, Mayo, ay magiging “flavor of the month” na siya.

Kung ano ang ibig-sabihin nito, siya lang ang nakaaalam.

Marahil, kung mananalo siya sa sarbey sa Mayo, mananalo rin siyang kandidatong Pangulo sa May 9?

Ang taumbayan ang magpapasya niyan. At sana, hindi mangyayari sa Mayo 9 ang reklamo ng mga overseas Filipino worker na ang ibinoto nilang kalaban ni Roxas ay wala sa voter’s receipt na tinanggap nila.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>