Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BUS MARSHALL MULING BINUHAY NI PAGDILAO

$
0
0

MAGANDA ang naisip nitong si PDIR Joel D. Pagdilao, hepe ng National Capital Region Police Office o NCRPO, na muling buhayin ang bus marshall sa Metro Manila para maagapan ang anomang paglala ng iba’t ibang krimen sa loob ng bus.

Bukod sa mga pulis na nagmumula sa NCRPO ay inatasan na rin nitong si Pagdilao ang limang District Director na sina PCSUPT. Edgardo Tinio ng Quezon City Police District; PCSUPT Rolando Nana, ng Manila Police District; PCSUPT. Eusebio Mejos, ng Southern Police District; PCSUPT Elmer Jamias, ng Eastern Police District; at Eric Reyes, ng Northern Police District na magtalaga rin ng mga marshall na aakyat sa mga bus na daraan sa kani-kanilang lugar.

Sinasabing may 240 marshall mula sa NCRPO na magpapalit-palitan sa tatlong shift para mag-inspection ng mga pampasaherong bus at paiiralin ang buddy system.

Walang pipiliing bus na aakyatin ang mga marshall.

Pwedeng ordinary o aircon bus at ‘yung tanong ng publiko kung hanggang saan sasakay ang mga marshall ay sinabi ni Pagdilao na nasa disposisyon na ng mga marshall kung saan sila bababa para naman makalipat ng masasakyang bus.

Maganda ang layunin ng proyektong ito ni Pagdilao at talaga namang makikinabang dito ang mga commuter, lalo na ang mga pasahero ng bus sa Metro Manila.

Sa pamamagitan ng bus marshalls, maaagapan agad ang posibleng krimen sa bus tulad ng hold-up, ipit gang, laglag-barya, hostage at ang rampant na snatching.

Ang proyektong ito ni Pagdilao ay sinimulan noong Miyerkules ng hapon matapos isagawa ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng mga may-ari ng bus at ni NCRPO Chief, PDIR Joel D. Pagdilao.

Maganda ang muling pagbuhay ni Pagdilao sa bus marshall. Sana nga lang ay suportahan ito ng publiko dahil anomang proyekto na kapaki-pakinabang, kung hindi susuportahan ng mamamayan, ay walang mangyayari dahil maglalaho ito na parang bula.

Naniniwala ang marami na dahil sa pagbuhay na muli ng bus marshalls ay tuluyan nang mawawala ang mga krimen sa loob ng bus.

Kung hindi naman ay siguradong malaki ang mababawas sa mga krimen na ito. Sabi nga ng mga nakausap ko, sana’y noon pa ito binuhay, sana ay wala nang nagbuwis pa ng buhay.

O kayong mga kriminal, medyo ingat-ingat na kayo dahil hindi kayo sasantuhin ng mga pulis na bus marshall na nakakalat na sa lahat ng lansangan sa Metro Manila. LILY’S REYES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>