NGAYON, mga pare ko, bigyan po natin ng daan ang liham ng isang masugid na mambabasa ng pahayagang Remate kaugnay sa sinapit ng kinakapatid nito sa isa umanong gahamang taxi driver na may plakang UV 460 na walang ID ang driver.
Kung sinoman ang operator ng taxi na ito ay dapat niyang kastiguhin ang kanyang driver. Baka kasi nagdodroga pa ang ugok na ito. Basahin ninyo ang nilalaman ng ligham.
Magandang araw po sa bumubuo ng pahayagang Remate. Nais ko lang pong ipaabot sa inyong pahayagan ang sinapit ng aking kinakapatid na si Princess Joy sa isang gahaman na taxi driver na ang minamaneho ay may Plate Number na UV 460. Wala pong ID ang driver.
Sumakay po siya sa nasabing taxi sa Munoz, Q.C. Pagdating po sa Frisco, ang flagdown rate na P30.00 sana ay naging P138.00 gayung hindi pa tumatahak sa halos 4 o limang kilometro ang biyahe.
Kaya inaway po niya ang driver at nagka-trauma po ang aking kinakapatid dahil sa nangyari! Kaya, gusto niyang turuan ng leksyon ang driver. Ito po ang kanyang post sa kanyang FB account. Ang contact number ng operator po ng taxi ay 09855011342.
SUGALAN SA BATANGAS MALAKAS KAY HEPE
Sinasamantala ng mga peryante ang pagiging abala ng mga lokal na namumuno kaya katakot-takot na mga peryahan na front ng mga iligal na pasugalan ang nakalatag sa mga bayan sa lalawigan ng Batangas.
Namayagpag ang peryahan ni Elvie sa bayan ng Cuenca, Batangas na kahit matagal ng nag-o-operate ang tatlong lamesa ng sugalan nito sa tapat pa ng istasyon ng pulisya ay hindi inuhuli ng kapulisan dahil malaki ang tinatanggap nilang lagay kay Elvie.
Maging ‘yung kay Yoly sa Balite, Batangas ay pader din, maging ang peryahan ni Bert na pumupuno ng iligal na sugalan sa Taal. Walang ginagawa si Batangas PD Supt. Arcadio Ronquillo kundi tumunganga.
***
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY ARASGA
