Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

‘TANIM-LAGLAG BOTO NAMAN?’

$
0
0

KUNG ‘di magawa ng mga awtoridad na patigilin ang ultimong “tanim-bala” sa NAIA, paano gagarantiyahan ng gobyerno na di magaganap ang pagnanabotahe sa automated vote-counting system sa araw ng eleksyon?

Napakahirap ba na tuntunin ang pinanggagalingan ng mga punyemas na bala na yan na nakikita sa X-ray machine ng airport?

Sa kabila ng mga CCTV sa terminal, hindi pa rin nila makita kung saan may anomalya. O baka naman kunwari lang na nakikita!

Aba’y paano na kapag tumira ang “dagdag-bawas” ng boto sa Mayo 9? Napatunayan ng ilang pilyong kabataan na madaling mapasok ang database at website ng Commission on Elections (Comelec).

Magagarantiyahan ba ng Comelec na ang hacking na isinagawa ng mga tawak na ito ay ‘di magagawa ng mga may balak mandaya sa eleksyon?

Masisisi ba ang mga kababayan natin kung pagdudahan ang Comelec mismo sa katapatan nitong magdaos ng isang malinis na halalan?

Iyang seguridad ng electoral process ang dapat inaatupag ng poll body sa halip na mga political issue na idinidikta rito ng Malacañan para tulungan ang administration bet na si Mar Roxas.

Maraming inaksayang oras iyang pamumulitika laban sa mga nangungunang kandidato na sina Sen. Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Sinundan pa ng mga kapalpakan.

Saktong dalawang linggo mula sa araw na ito hanggang sa halalang Mayo 9. Sana’y sa loob ng maikling panahon na ito ay malinis ng Comelec ang reputasyon nito sa ilalim ng liderato ni Chairman Andres Bautista.

Matutupad ba ang isang maayos, malinis at matapat na halalan, Chairman?

Dapat lang!!

***
Welcome po ang inyong reaksyon, opinyon at reklamo. I-email po sa etulfo2011- @yahoo.com o bisitahin nyo kami sa Erwin Tulfo Action Center sa 2nd Floor, Quedsa Plaza, Quezon Ave. cor. EDSA, Quezon City, 9am-4pm Monday-Friday. DEADSHOT/ERWIN TULFO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes