Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAYOR OCA, WAGI SA PANGARAP VILLAGE

$
0
0

ISANG pang-unang tagumpay ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan at ng buong konseho ng lungsod sa pangunguna nina Vice Mayor Maca Asistio at mga pangunahing m’yembro nito na sina Councilor Obet Samson, Onet Henson, Tino Bagus at Along Malapitan ang kanilang laban sa korte, matapos magpalabas ng Preliminary Writ of Injunction ang Caloocan Regional Trial Court (RTC) Branch 12 na buksan ang gate ng Pangarap Village.

Ang Pangarap Village ay isang malawak na 156-ektaryang lupain sa Bgy. 181 at 182 sa North Caloocan, na idineklarang resettlement area noong 1973 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos (Presidential Decree 293), subalit pinawalang-bisa at hinatulang unconstitutional ito (PD 293) ng Supreme Court noong 1988.

Matapos mapabalita noong taong 2010 ang $1.12-billion MRT Line 7 project ng gobyerno ay hinigpitan ng Carmel Development, Inc. (CDI), isang kumpanyang pag-aari ng pamilya Araneta, ang kanilang “claim” sa naturang lupain para itaboy ang mga naninirahan doon.

Nagsimula noong April 3, 2015 na pigilang pumasok ng mga guwardya ng CDI ang mga meter reader ng Meralco at Maynilad, kaya nawalan ng tubig at kuryente ang mga mamamayan sa Pangarap Village.

Naglagay naman si Mayor Malapitan ng generators at water truck delivery para maibsan ang paghihirap ng may 40,000 na mga residente roon at nagsampa kaagad ang pamahalaang lungsod ng kaso laban sa CDI para tuluyan nang mabuksan ang gate at mapaalis ang mga guwardia roon.

Batay sa injunction na ipinalabas ni Judge Remegio Escalada noong April 25, 2016, bubuksan ang gate ng Pangarap Village para sa Meralco, Maynilad at iba pang utility companies, pati na rin sa lahat ng government agencies.

“Bagama’t hindi pa ito ang desisyon na hinihintay natin para malayang maglabas-masok ang mga mamamayan sa Pangarap Village at mamuhay ng normal, maituturing kong ito ay pang-unang tagumpay dahil maibabalik na ang kanilang tubig at kuryente at makapapasok na rin ang gobyerno sa kanilang lugar,” paliwanag ni Mayor Oca.

Pansamantalang gumagamit ng lagusan ang mga residente sa likod ng Pangarap Village para sa kanilang daanan, at naglalakad para makauwi o makalabas sa kanilang mga tahanan.

Sinamahan mismo ni City Administrator Oliver Hernandez at Atty. Don Camina, ang city legal chief, ang RTC sheriff para i-serve sa CDI ang injunction ng korte at tuluyan nang maibalik sa normal ang buhay ng mga mamamayan sa Pangarap Village na mahigit isang taon nang nagtiis. GOOD RIDDANCE/ARLIE CALALO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>