Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

‘WAG BUMOTO NG MANDARAYA

$
0
0

MARAMI nang panawagan ang iba’t ibang grupo, iba’t ibang sektor, at iba’t ibang mga private and public organizations, sa mga botante na huwag bumoto sa ganitong kandidato at iboto ang ganitong kandidato.

Ang intensyon nila ay nawa kahit sa huling linggo ng kampanya ay maka-enganyo pa ng kahit ilan na pumanig sa kanila.

Nagiging mainit na ang palitan ng kuru-kuro at mainit na ang palitan ng salita ng mga magkakaibang kampo na minsan ay humahantong pa sa sakitan ng damdamin at demandahan.

Patunay lang na ang halalan ay personal sa bawat isa sa atin. Affected tayo nito. Patunay na ang pagpili ng kandidato ay isang personal na desisyon at personal na karanasan, isang personal na paniniwala sa sariling katotohanan.

Mataas ang pagpapahalaga ng botanteng pinoy sa halalan kahit na ano pa ang sabihin ng ilan na wala silang pakialam ay sigurado akong may pakialam sila, nakikinig, nakikisali sa usapan at magdedesisyon at boboto ng ayon sa personal nilang gusto.

Naniniwala ako sa kakayahan ng karamihan sa atin na pumili ng tama at bumoto ayon sa konsensya at ayon sa personal na paninindigan at paniniwala. Pero isa lang ang gusto kong idiin – huwag tayong bumoto ng mandaraya.

Iwasan ang mandaraya. Labanan ang pandaraya at kondenahin ang mga mandaraya. Dahil ang mandarayang kandidato ay walang pinagkaiba sa mamamatay tao dahil pinapatay nila ang paggalang ng isang botante sa demokrasya at sa kapangyarihan ng karapatan ng bawat isa para bumoto.

Pinapatay ng mandaraya ang pag-asa ng bayan sa isang maayos at kapani-paniwalang halalan. Pinapatay ng mga mandaraya ang hiling ng bawat puso at sigaw ng isipan ng mga botante.

Napakalaking kasalanan sa Diyos at sa bayan ang pandaraya, ito ay isang karima-rimarim na krimen.

Alam natin kung ano ang ibig sabihin ng mandaraya, hindi na kailangan ispelengin pa. Sa darating na Mayo 9, pumili ng tama, huwag iboto ang mandaraya.

o0o
Mag-email ng reaksyon sa ariel.inton@gmail.com o kaya ay mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/LTFRB COMM. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>