Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CONG. EGAY AT “KONSI” OBET, PATOK SA DIST. 2 CALOOCAN

$
0
0

ILANG araw na lang at huhusgahan na ang lahat ng kandidato sa Mayo 9 at magiging mabigat sa iba kung kwestyunable ang kanilang kwalipikasyon at ang ginagamit lang ay pera’t dahas. Pero sa mga kandidato na walang bahid ang pagkatao, bukod sa kanilang proven na paglilingkod, eh, walang pagdududa ang kanilang panalo.

Unang-una sa aking listahan itong sina re-electionist Cong. ‘Egay Erice at Councilor Obet Samson ng District 2, Caloocan City. ‘Da best’ itong sina Cong. Egay at ‘Konsi’ Obet sa public service at mismong mga residente ang makagpapatunay n’yan!

Sa halos tatlong taon bilang Kinatawan ng distrito, halos natupad ni Cong. Egay ang kanyang mga campaign promise, lalo na ang mga programa na direktang pinakikinabangan ng mga residente gaya ng mga imprastraktura at flood control projects.

Siyempre, sa kabila ng mga nagawa niya at patuloy na ginagawa para sa buong lungsod, hindi pa rin mawawala ang siraan siya ng ilang kalaban niya sa pulitika. Subalit tila ‘unfazed’ si Cong. Egay. Well, tama rin siya!

Ganyan din itong aking kaibigan na si ‘Konsi’ Obet. Aking ‘bold prediction,’ tiyak patok na patok ito sa darating na halalan at hindi malayong mangyari na siya ang mag-No. 1 sa District 2 dahil siya lang yata sa distrito ang may opisina na laging bukas sa mga tao oras-oras at araw-araw.

Aniya, hindi lang naman siya ang konsehal sa distrito na dapat lapitan at hingan ng tulong ng mga residente, pero wala naman siyang magagawa lalo’t nakikita niya na pumipila ang mga ito at tunay na nangangailangan.

Kaya naman talagang maraming nagmamahal dito kay ‘Konsi’ at mismong ang mga miyembro ng Camanava Press Corps na pinamumunuan ng inyong lingkod ang makapagpapatunay sa dedikasyon nito sa paglilingkod.
Nakarami na rin ang mga estudyanteng ‘poor but deserving’ na kanyang napagtapos bilang scholars at tuloy-tuloy ito. May your tribe multiply.

‘Salamat Po!’

Lubos at taos sa aking puso ang pasasalamat sa mga miyembro ng National Press Club na tumungo sa NPC sa Intramuros, Manila para ihalal ‘straight’ ang buong tiket ng Press Freedom Party for the third time simula noong 2014.

Unopposed ang executive officers sa pangunguna nina President-elect Paul Gutierrez, Vice President Benny Antiporda. Nagsipagwagi naman ang buong kandidato sa board ng PFP sa pangunguna ni ‘Mam’ Lydz Bueno, kasama ang inyo pong lingkod.

Mas lalo kaming magiging solid para mas epektibong matugunan ang mga programa at proyekto para sa mga miyembro nito. Mabuhay ang NPC. GOOD RIDDANCE/ARLIE CALALO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Conejos para colorear


Lagarto para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


Tiburon para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Problema Quotes – Pera Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>