ISA sa unang dapat mangyari sa Office of the President, na dapat gawin ni president-elect Davao City Mayor RODRIGO ROA DUTERTE ay ibalik ang respeto sa pamamahayag. Ibalik sa dati ang Office of the Press Secretary (OPS)!
Kailangan ang isang matalino, mahusay at alam ang tamang sistema ng pamamalakad ng OPS. ‘Yung alam niya ang isip ng pangulo, malawak ang ugnay sa pamamamahayag at higit sa lahat, tapat sa tungkulin. Hindi bolero at gumagawa ng sariling opinyon na lihis sa posture ng pangulo.
Buwagin ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) na nagbura sa OPS. Mahusay si Secretary Herminio Coloma pero ang kanyang mga alagad, kadalasan ay paltos. Sa halip na makatulong sa pangulo, sila pa ang gumugulo!
Kailangan ni Mayor DIGONG ang respetadong mamamahayag. Kailangan niya ang Press Secretary na hindi bolero. Yung alam ang gusto niya na ipahatid sa taumbayan. Kailangan ni Pangulong RODY ang malinis at matalinong lider sa OPS.
Sa puntong ito, with all due respect sa iyo tunay na PRESIDENT-MAYOR RODY, kunin mo bilang Press Secretary si former North Cotabato MANNY PINOL!
Tiyak na tiyak natin na malaking tulong sa iyong tabi si sportswriter-political writer-boxing analyst and referee-ex-governor at farmer MANNY PINOL. He is a no nonsense media personality who knows the trails and travails of politics and its running. He looks like so serious but like you, Manny is a joker too.
The government media institutions needs major revamp and repair. Those who were tasked to manage did the reverse. For now, I can say, totally mismanaged and ransacked of its fund!
Isang halimbawa Mayor DUTERTE ay ang pagbebenta ng walang public bidding ng isang bagong bili na RADIO TRANSMITTER ng pumalit na Director ng PBS. At ang masakit, hindi pumasok ang pinagbentahan sa Treasury ng ahensiya!
Alam natin na kilalang-kilala ninyo ng personal si Governor Manny Pinol Mr. President. He is the only guy I know whom you can fill in the OPS. He will be your knock-out puncher against anyone in public relations who want to destroy you in media, much, to our people. He boxes but he gets more respect.
I would say, Mr. President, whether he like it or don’t (hahaha) MANNY PINOL MUST BE YOUR PRESS SECRETARY!
(Para sa inyong reaksyon, text lang po sa 09178548686/09188708686. Salamat po.) BALETODO/ED VERZOLA
