Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HAMON KAY COL. JERICHO BALDEO

$
0
0

OPEN secret ang malawakang operasyon ng video karera sa Novaliches, Quezon City, gayundin ang area ng Sangandaan at Batasan.

Maraming nagdaan na hepe ng Novaliches police station (station 4), subalit walang kumilos para mahinto ang sugal na ito.

Marahil, dahil sa ‘lagay’ ng VK operators na sina Lando Manalo, Dakne Santos at Jojo Cedeno kaya nagmistulang bulag ang mga ito.

Sugal-lupa kung tawagin ang VK na ang kawawang nabibiktima ay mga kabataan at yaong mga kapus, tulad ng mga tricycle driver.

Hindi rin marahil lingid sa kaalaman ni Col. Baldeo na ang VK dens ay nagiging tambayan na rin ng mga drug at shabu user.

Alam din siguro ni Col. Baldeo na ang mga nalulong na sa paglalaro ng VK ay nanghoholdap na kapag walang mailarong pera. At kung matindi ang operasyon ng VK sa area of jurisdiction (AOR) ni Col. Baldeo, gayundin sa area ng Sangandaan at Batasan.

Ang Sangandaan area (Stn. 3) ay AOR ni Col. Victor Pagulayan samantalang ang Batasan area (Stn. 6) ay AOR ni Col. Robert Sales.

Sa darating na Hulyo 1 ay may bagong Pangulo ng bansa sa katauhan ni Davao City President-elect Mayor Rodrigo ‘Digong’ Duterte.

Ang pakiusap ni Pres. Digong sa mga opisyal at miyembro ng Philippine National Police (PNP) ay magtrabaho nang maayos.

Nagbabala rin si Digong sa mga pulis na binabalewala ang sinumpaang tungkulin, lalo na ‘yaong protectors ng mga iligal, katulad ng droga.

Ika niya’y magbitiw na ang mga pulis na bumabaluktot ng batas dahil sila’y may kalalagyan kapag naupo na ito sa July 1.

Balak ni Pres. Digong na salakayin ang rebel-infested Jolo at ang mga walang disiplinang pulis ang ibabala sa mga Abu Sayyaf.

Siguro naman ay intiyende ni Col. Jericho Baldeo, Col. Victor Pagulayan at Col. Robert Sales ang pahayag na ito ni Digong.

Sa totoo lang kasi, walang vk operations sa kanilang AORs kung wala kayong ‘blessing’, kaya ‘di n’yo puwedeng gaguhin si Digong.

Abangan natin ang kanilang aksyon. CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>