Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BATI-BATI NA TAYO

$
0
0

TAPOS na ang halalan. Naiproklama na ang karamihan sa mga nanalong kandidato.

May fresh mandate na mula sa mga Pinoy ang mga nahalal na lider, lokal man o nasyunal.

Naging proud naman ang COMELEC sa naging proseso ng eleksyon. Mababa ang record ng elections-related incidents at violence at pinakamalaki ngayon ang porsyento ng mga tao na nagpabilang at bumoto.

At sa init ng naging mga damdamin ng marami sa atin tungkol sa eleksyon na ito, kinakailangan talagang magkaroon ng “closure” sabi nga.

Maski ang isang telephone company nga ay mabilis na nakapagpalabas ng advertisement na tinatalakay ang pagbabalikan ng pagkakaibigan na nagkasira dahil sa halalan.

Sa commercial nila, inilarawan ang marahil ay masasakit na nabitiwang mga salita na dahil nga siguro sa mataas na emosyon ng pagtatanggol sa kanilang kandidato at sa agresibong pag-promote sa mga ito.

Pero bati na sila ulit. Bati-bati na ulit tayo. Move on na sabi ng marami. Kahit matagal pang mangyayari ang tunay at “total healing”, alam ko naman na hindi imposibleng mangyari ito sa ating mga Filipino.

Kahit ayaw ng ilan sa atin ang nanalong mga kandidato, sila pa rin ang ibinoto ng mas nakararami, at deserve nila ang suporta ng lahat, ito ang demokrasya sa ating bansa.

Sa huli, magsisilbi tayo sa mga nanalong lider na ito bilang mga public servant hindi man sila ang ating ibinoto, dahil sila ang nanalo.

Makikipagtulungan tayo sa kanila para sa ikabubuti ng ating buong sambayanan.

Dito sa amin sa Quezon City, excited din naman sa parating na bagong pagkakataon para sa isang bago na naman na mandato para sa mga lider ng pamayanan.

Binabati ko sina Congressman Sonny Belmonte, Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte.

Congratulations sa mga nanalong konsehal, lalo sa kumpare ko na si Toto Medalla. Sa mga kabarkada ko na sina Franz Pumaren, Alan Francisco, Alan Reyes, Donny Matias.

Congrats din kina Konsehal Jun Ferrer, Marra Suntay at Ivy Lagman at sa lahat ng mga nanalo, mabuhay kayo at super good luck to all.

***
Mag-email ng reaksyon sa attyinton@gmail.com o kaya’y mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/LTRFB COMM. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>