Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NASAAN ANG KREDIBILIDAD NI LENI ROBREDO?

$
0
0

IHALIMBAWA nating nanalo si Rep. Leni Robredo bilang Pangalawang Pangulo nitong nakaraang May 9 elections, may kredibilidad at may mukha ba siyang ihaharap sa taumbayan?

Mahirap kasing matanggap ng publiko na nanalo si Leni dahil maraming katanungan ang sasagi sa isipan ng taumbayan kung siya ba talaga ang nanalo ganu’ng milyon-milyong Filipino ang bumoto kay Sen. Bongbong Marcos.

Ang tanong, nasaan na ang boto ng INC, El Shaddai, retired generals, Big-4 ng transport group na Fejodap, Pasang Masda, ACTO, Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) at ang boto ng solid north?

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin maalis sa isipan ng taumbayan ang pagkalkal at pagpapalit ng isang opisyal ng Smartmatic sa script ng transparency server sa kasagsagan ng bilangan noong Mayo 9, 2016.

Marami ang nagtaka simula nang kalkalin ng pakialamerong opisyal ng Smartmatic ang script ng transparency server sa biglang pagliit ng milyong-milyong boto ni Bongbong at tuluyan nang umabante si Leni. Hindi nga malaman kung saan galing ang mga boto nito (may magic?)? Hehehe.

Biruin ninyo, may mga lugar o probinsya na na-zero si Bongbong samantalang bukod sa mga lider nito ay marami ring miyembro ng INC at iba pang relihiyon na bumoto kay Bongbong. Saan na nga ba napunta ang mga boto nila kay Bongbong?

Kaya nga nagsalita na ang mga taga-Basilan ukol sa mga pre-shaded ballots para sa boto ni Leni na nakita sa isang voting precinct na bantay-sarado ng mga armadong lalaki. Kitang-kita mismo sa news segment ng isang TV network ang video nito na inamin din ng isang nanalong kandidato na walang naganap na botohan sa kanila dahil ang mga nakatalagang BEI’s ang nag-fill-up ng balota at sila rin ang nagsasaksak sa VCMs habang nakabantay ang mga armadong kalalakihan.

Hindi lang ang usaping pakikialam ng dayuhang taga-Smartmatic sa proseso ng bilangan kundi maging ang hayagang pakikialam nito sa sagradong boto ng taumbayan. Dapat lang na gumawa ng hakbang ang Comelec at payagan ang grupo ng mga IT expert na imbestigahan ang nangyaring botohan nitong nakaraang Mayo 9.

May mukha pa kayang ihaharap si Robredo kung ang taumbayan ay patuloy na nagdududa at hindi makapaniwala na nanalo siya sa malinis na pamamaraan!

***
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274754,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>