Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KUMILOS KA NAMAN, GEN. TINIO BAGO KA MASIBAK

$
0
0

BAGO masibak at mapalitan si C/Supt. Edgardo Tinio mula sa Quezon City Police District, dapat na siyang kumilos. Mula kasi nang maupo si Tinio sa QCPD nitong nakalipas na taon ay wala akong nabalitaang nagawa itong dapat ipagmalaki ng PNP.

Ang masama, palaging may natitiklong droga na milyon-milyong halaga sa QC ang PNP-National Capital Region Police Office na pinamumunuan ni Police Director Joel Pagdilao, pero nasaan ang tropa ng QCPD ni Tinio?

Hindi lang malala ang droga sa QC, kundi maging ang human-trafficking ay nauuwi sa prostitusyon ang mga biktima. Kawawa ang kababaihan.

Napakatindi ng problema sa human-trafficking at prostitusyon ngunit hindi ko maintindihan kung bakit walang ginagawa si Tinio.

Ang mga talamak sa human-trafficking sa QC ay ang Lanai KTV sa Cubao, Superstar at Blue Eyes sa Commonwealth. Grabe ang mga bahay-aliwang ito sa human-trafficking at prostitusyon.

Dapat magpasya si Heneral Tinio na lusubin ang Lanai, Superstar at Blue Eyes upang mailigtas ang kababaihan.

Sabi nila, malabong lusubin ng QCPD ang tatlong bahay-aliwan dahil protektado ang mga ito ng isang mataas na opisyal ng QCPD. Kumikita ang opisyal na ito kaya hindi raw ito ipa-o-operate ni Heneral Tinio.

Ang opisyal na ito na nakatatanggap ng lingguhang parating mula sa mga may-ari ng mga bahay-aliwang ito ay dapat nang ipatapon sa Mindanao kapag nakaupo nang Presidente si Rodrigo Duterte ng bansa.

Kapag nagpapayaman ang isang opisyal ng pulisya habang nadestino sa QCPD ay dapat matanggal na ito sa puwesto at sa PNP kapag hindi na si Director General Marquez ang hepe ng PNP.

MAS MAINAM SI DALE MALAPITAN

Nanalong kongresista si Konsehal Dale Along Malapitan, anak ng nagwagi uling alkalde ng Lungsod ng Caloocan na si Mayor Oscar “Oca” Malapitan.

Si Representative-elect Malapitan ay representante ng unang distrito ng Lungsod ng Caloocan.

Kung ako ang tatanungin, mas mainam na nanalo si Malapitan dahil kailangan natin ng mga bagong ideya mula sa mga batang mambabatas.

Kay Malapitan, inaasahan nating may totoong boses ang mga residente ng Distrito 1 ng lungsod.

xxx
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271, o mag-email sa: sulongbade@yahoo.com BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>