Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAGPALAG NI DUTERTE SA CBCP TAMA LANG

$
0
0

NITONG mga nakalipas na araw ay patuloy nating naririnig ang palitan ng mga salita sa pagitan ni incoming President, Davao City Mayor Rodrigo Duterte at ng pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Mahigpit kasing kinokontra ni Duterte ang mga sinasabi ng CBCP at isa sa kanyang isinusulong ay ang pagkakaroon ng family planning na isa sa nakikita nitong dahilan kung bakit lalong dumarami ang mahihirap nating kababayan.

Kapansin-pansin kasing kung sino pa ang taong walang maayos na pinagkakakitaan ay sila pa mismo ang may maraming anak na dahilan para magutom ang mga ito at hindi rin matutustusan ang pag-aaral.

Sa mungkahi ni Duterte, dapat ay hanggang tatlo lamang ang maging anak ng bawat mag-asawa nang sa gayon ay mapakain nila at mapag-aral nang maayos ang mga ito.

Bagama’t hindi paiiralin ng susunod na Pangulo ng bansa ang mahigpit na pagpapatupad nito ay hinihimok naman ni Duterte ang bawat mag-asawa na limitahan ang kanilang mga magiging anak na mahigpit namang tinututulan ng simbahan.

Ayaw kasi ng simbahan sa pagpapatupad ng family planning dahil labag daw ito sa kautusan ng Diyos ngunit wala rin naman tayong nakikitang aksyon ng mga ito upang maibsan ang paghihirap ng mga pamilyang marami ang anak.

Sa ganang akin, tama lamang na magkaroon na tayo ng family planning dahil isa itong paraan upang maayos natin ang kabuhayan ng ating mga anak at magiging supling.

Matagal na rin namang hiwalay ang simbahan sa pamahalaan kaya’t siguro ay hindi na lamang nakikialam ang simbahan sa mga ipatutupad na batas ng bagong administrasyon dahil dumaraan naman ito sa masusing pag-aaral bago ipatupad.

Ang mga Kristiyano sa Pilipinas ay ibang-iba na rin ang pananaw sa kanilang bansa dahil patuloy na nagbabago ang panahon at kapag hindi tayo sumabay ay patuloy tayong mapag-iiwanan.

Hindi tayo kumokontra sa simbahan dahil isa rin akong Kristiyano ngunit dapat ay may hangganan ang pagbibigay ng puna ng CBCP sa gobyerno kung ito naman ang nakikitang paraan upang malutas ang isang malaking problema.

O papaano, huh? ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>