NAKATUTUWANG malaman na parami nang parami buhat sa tinatawag na “non-formal sector” na kinabibilangan ng mga kasambahay, tsuper at security guards ang kumuha ng housing loan program ng Home Development and Mutual Fund (Pag-IBIG).
Sa mismong ulat ni Atty. Chito M. Cruz, chairman of the board of trustees ng Pag-IBIG Fund, mahigit-kumulang 12,000 units na may kabuuang halagang Php 3.5-billion ang pabahay na nakuha ng mga nasa non-formal sector sa pamamagitan ng sistemang ‘acquired disposal program’ ng ahensiya.
Alam naman nating iba pa rin ang pagtingin ng mga financial institutions sa mga nasa non-formal sector kaya’t mahirap silang mapagbigyan para sa isang housing loan. Pero pinatunayan ng Pag-IBIG Fund na dahil sa makatao at pantay na sistema at inobasyon nito, ang mga driver, kasambahay, at security guards ay pwedeng magkaroon ng pinapangarap nilang sariling bahay.
Lahat ng mga ito ay naging possible dahil sa kasipagan, pagsusumikap at determinasyon ni Atty. Darlene Marie B. Berberabe, ang presidente at chief executive officer ng Pag-IBIG Fund, na maiparamdam sa lahat ng sektor ang benepisyo ng kanilang pag-iimpok.
NANGANGAILANGAN NG CONSTRUCTION WORKERS SA JAPAN
Magandang balita para sa mga kalalakihan na nakapagtapos ng high school, nasa 20 hanggang 35-taong gulang at walang tattoo.
Magkakaroon ng isang buwang pag-aaral ng Japanese language na may Php100.00 na allowance bawat araw na may libreng tirahan o matuluyan.
Anim na buwang pagsasanay sa Dasmariñas Cavite. Ang pagsasanay na ito ay naaayon sa kalidad ng Construction Japanese Company na kikita ng P340.50 bawat araw sa loob ng walong oras na may libreng tirahan o matutuluyan.
Kapag nagpakita ng magandang katangian sa loob ng anim na buwang pagsasanay, magkakaroon ng oportunidad na magkaroon ng aktuwal na pagsasanay sa Japan ng tatlong taon na kikita ng P35,000 – P40,000 kada buwan at may libreng tirahan o matutuluyan.
Para sa karagdagan impormasyon: Maaaring tumawag kay Ms. Ayda Z. Zoleta sa +63998703825. ANG INYONG LINGKOD/HILDA ONG
