Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

OIL PILFERAGE O PAIHI TALAMAK PA RIN

$
0
0

SA kabila ng pagbaba-taas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa merkado ay kabi-kabila naman ang ginagawang oil pilferage o pagpapaihi ng mga mapagsamantalang kawatan sa idini-deliver ng mga oil delivery tanker sa mga gasoline station.

Kabilang sa mga kilalang tirador ng oil pilferage o pagpapaihi ay itong alyas Palos D ng Diversion Highway, Batangas City na umano’y nagpapakilalang kapatid siya ni Batangas City Mayor Dimacuha.

Isang alyas Dondon naman ang tirador ng oil pilferage o pagpapaihi sa West Paharang, Batangas City na sinasabing matibay dahil sa kanyang mga koneksyon sa ilang tiwaling pulis sa nasabing bayan.

Kapag nagawi naman kayo sa Calatagan, Batangas, ang mga kilabot naman ng oil pilferage o pagpapaihi ay isang umano’y pulis na si SPO2 Plata at isang Danny Pineda.

Samantala, patuloy pa rin hanggang ngayon na hawak ng Bantugon Clan ang oil pilferage o paihi sa Calaca, Bauan at Mabini ng lalawigan ng Batangas pa rin.

Sinasabing malawak ang operasyon ng mga ito dahil ang kontak nila ay mismong mga opisyal sa tanggapan ng isang oil refinery company.

Harinawa, sa pag-upo ni President-elect Rodrigo “Digong” Duterte ay ilagay sa kanilang dapat na kalagyan ang mga magnanakaw na ito na sumisira sa ekonomiya ng bansa.

TOKNAKAN SA NIGHT SHIFT DISCO, GRABE

Sa Cainta, Rizal ay patuloy ang lantarang bentahan ng panandaliang aliw o toknakan blues sa Night Shift Disco na pag-aari ng isang Ka Nestor ng Ortigas Ext., Cainta, Rizal.

Grabe ang ginagawang “toknakan” sa loob ng mga VIP room ng nasabing club dahil walang bukambibig itong si Ka Nestor kundi direkta siya kay Cainta Mayor Kit Nieto.

Totoo ba ‘yan, Mayor Nieto?

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>