MALAMANG na marami ang titimbuwang na preso at kasabwat na mga tiwaling jailguard sa loob ng New Bilibid Prisons kapag magsimula nang pumasok dito ang mga militar na kikilos laban sa ipinagbabawal na gamot.
Ultimatum ito ni President–elect Rodrigo Duterte dahil sa dismayado na ito sa performance ng mga opisyal at kawani ng Bureau of Corrections (BUCOR) at NBP.
Hanggang ngayon kasi, eh, labas-masok ang mga kontrabando sa Bilibid at hindi rin napipigilan ang pagpasok ng mga ito sa Maximum Security Compound.
Biruin ninyo, sa linggo-linggong raid ng security reaction unit sa halos anim na buwan sa ilalim ng Oplan Galugad, patuloy pa ring may nakakakumpiskang mga iligal na kontrabando, kabilang na ang mga shabu, electronic appliances, matataas na kalibre ng baril, malalaking halagang pera at marami pang iba.
Kaya nga, oras na umupo ni Pres. Rodrigo ay tiniyak niyang seryoso niyang gagawin ang pakikipaglaban sa talamak na bentahan, paggamit at pagluluto ng ipinagbabawal na droga sa loob.
Binigyan-diin ni Pres. Duterte na kung maupo na siya bilang Pangulo, unang-una niyang pagtutuunan ng pansin ang mga nangyayaring katarantaduhan sa loob ng NBP.
Unang linggo pa lamang ng pangulo ay agaran na niyang ipag-uutos ang biglaang pagsalakay ng Special Action Force (SAF) at walang ititirang buhay sa mga sasalakaying druglord at inmate. “There will be no man standing,” ayon pa sa Pangulo!!!
Sa wakas tapos na kayo, tangna ninyo. Hehehehe.
Mabuhay po kayo, Pres. Rodrigo Duterte…
KUNG HINDI TOTOO, HULIHIN MO HEPE ANG PAIHI NI LITO
Ang isa pang magnanakaw ng produkto ng langis o paihi ay itong si alyas LITO sa Nasugbo, Batangas. Hinihinalang may koneksyon si Lito sa kapulisan ng Nasugbo kaya hindi hinuhuli ang paihi nito kahit nakikita ng mga pulis.
Malaki raw ang ibinibigay nito kay Nasugbo chief-of-police Maj. Diana del Rosario. Totoo ba ito hepe?
***
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
