Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TUTOK-TRABAHO LANG AKO – LENI

$
0
0

SI Leni Robredo na ang ating Bise-Presidente simula Hunyo 30.

Hindi pa nga nakauupo sa puwesto at katunayan, kapoproklama pa lamang nitong Mayo 30 ay may pinalutang na ang kanyang mga kalaban hinggil sa isyu ng pagka-Pangulo ng Pilipinas.

Kung inyong matatandaan, nitong kampanya ay maypinakawalan ang mga kalaban ni Robredo na “Plan B” umano ng administrasyong Aquino na ang nilalaman ay inasahan daw ng administrasyon na mananalo si Duterte sa pagka-Presidente at si Leni naman sa pagka-Bise Presidente.

Kung nakaupo na si Duterte, sisikaping ikasa ng mga kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III na ipa-impeach ito upang matanggal sa puwesto. Kung hindi magtagumpay, kudeta ang ilalarga ng mga ‘bata’ ni PNoy mailuklok lang na Pangulo si Robredo.

Ngunit, ang lahat ng ito’y pawang kwentong pinakawalan ng mga kalaban ng administrasyong Aquino upang palabasing mas puntirya ni Leni ang pinakamataas na puwesto—mga kwentong walang bahid ng katotohanan sapagkat bago pa man umarangkada ang kampanya ay idiniin na ni Leni sa media na hindi niya ambisyon na maging Pangulo.

Naniniwala si Leni na ang dapat na pagtuunan ng atensyon ng sinomang mahalal na Bise Presidente ay ang mga trabaho, tungkulin, at mga responsibilidad na nakaatang sa naturang posisyon.

Sabi ni Leni, kung ang nanalong Bise Presidente ay pagtutuunan ng pansin ang maging Presidente pagkatapos ng anim na taon, tiyak gagamitin lang nito ang buong anim na taon upang mamulitika at isulong ang kanyang ambisyon.

Kung ganoon, walang maaasahang kongkretong serbisyo ang sambayan sa ganitong klaseng Bise Presidente.

Hangad ni Leni Robredo na mahawakan ang isang puwesto na kanyang mapagtitibay, mapagsasama-sama at mapag-iisa ang mga gawain, pagsisikap, at mga proyekto ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na ang adyenda at misyon ay maibsan ang kagutoman at kahirapan ng milyon-milyong Filipno.

Para kay Leni, hindi kailangang cabinet rank ang puwesto niya. Ang mahalaga sa kanya ay kung paano niya magagampanan nang tama, tapat at makabuluhan ang posisyon ng Bise Presidente—at hind ang hangarin ang maging Pangulo.

Tandaan na si Leni Robredo ay isang “accidental politician,” dahil bago siya napasok sa pulitika, ginugol ni Leni ang kanyang panahon bilang isang abogadang nagbigay ng libreng serbisyong ligal sa mga taong walang kakayahang magbayad ng abogado. Mahigit 10-taon siyang naging grassroots worker at community organizer.

Dalawang ulit niyang inayawan ang alok na kumandidato bilang alkalde ng Naga City matapos ang tatlong termino ng kanyang asawang si Jesse Robredo.

Nang masawi si Jesse noong 2012, pumayag lang siyang kumandidatong kongresman bilang pagsunod sa mahigpit na panawagan ng iba’t ibang sektor ng Naga City at pigilan din ang pagkakawatak-watak ng kanilang partido sa lungsod dahil sa pagtakbo ng ilang miyembro nito sa Kongreso.

Ngayong Bise Presidente na si Leni, umaasa ang lahat na ipagpapatuloy niya ang adbokasiyang matagal na niyang sinimulan—ang palayain mula sa kagutuman at kahirapan ang mga kababayan nating nasa laylayan.

Nananalig ang higit 100-milyong Fiilipino sa pahayag ni Leni na “trabaho lang” ang kanyang tututukan. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Conejos para colorear


Tiburon para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Happiness Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Sapos para colorear


Lagarto para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Tagalog Breakup Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.