MALUGOD na binabati ko ang aking kumpare at kapatid sa hanapbuhay na si Martin Andanar sa pagkakapili sa kanya ni incoming President Rody Duterte bilang susunod na kalihim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Sasailalim sa kanyang superbisyon ang ilang government news and information, public television and radio stations.
Tinitiyak ko na pinakatumpak ang pagkakapisil ni Digong kay Martin na aking co-anchor sa TV5 news.
Angkop na angkop ang kanyang kwalipikasyon, mataas na pinag-aralan at karanasan sa propesyon ng pamamahayag.
Higit sa lahat, alam kong si Martin ay mapagkakatiwalaan at bukal sa puso niya ang pagseserbisyo-publiko.
Hangad ng aming hanay ang tagumpay ni PCOO Sec. Martin M. Andanar! Mukhang 85 percent nang kumpleto ang “Dream Team” ni Duterte.
Bakit nga ba hindi natin bigyan ng pagkakataon ang halal na Pangulo na tuparin ang kanyang mga ipinangakong “tunay na pagbabago.”
Siyempre, magsisimula siya sa pormal na pagtatalaga ng kanyang First Official Family kabilang kanyang Gabinete at kani-kanilang staff.
Makikita ang tapat na pagsisikap niya na bumuo ng Gabinete na kumakatawan sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan.
Tinukoy ni Duterte ang isa pang nominado ng leftist National Democratic Front na si Joel Maglungsod, dating Anakpawis party-list representative, bilang undersecretary ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Mula naman sa makakanan, itatalaga ng incoming President si former Davao Region Philippine National Police (PNP) chief Gen. Edgar Galvante bilang hepe ng Land Transportation Office (LTO) at si dating Army brigade commander at Task Force Davao commander Rodolfo del Rosario bilang undersecretary ng Department of National Defense.
Binigyan-diin muli ni Duterte ang pagbuwag sa korapsyon sa mga ahensiya ng gobyerno sa pagtatalaga kay Galvante bilang LTO commissioner.
Alam nating laganap ang iregularidad diyan sa LTO kung saan ultimong mga kawani ay sangkot sa pagpaparehistro ng mga nakaw na sasakyan.
Samantala, isang ‘di-pinangalanang babae na nabibilang sa Moro tribe ang napipisil pang hirangin ni Duterte bilang miyembro ng kanyang Gabinete.
‘Ika nga, change is coming!?
***
Welcome po ang inyong reaksyon, opinyon at reklamo. I-email po sa etulfo2011@yahoo.com o bisitahin nyo kami sa Erwin Tulfo Action Center sa 2nd Floor, Quedsa Plaza, Quezon Ave. cor. EDSA, Quezon City, 9am-4pm Monday-Friday. DEADSHOT/ERWIN TULFO