Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

FABELLA HOSPITAL HINDI DAPAT PAGKAPERAHAN

$
0
0

ISA sa mga dapat tutukan ni incoming President Rodrigo ‘Digong’ Duterte ang plano ng Department of Health na ipagiba at tuluyang isapribado ang operasyon ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz, Maynila.

Batay na rin ito sa pahayag ni Digong na ang pagsusulong ng magandang kalagayan sa kalusugan ang isa mga prayoridad nito.

Nangako nga siyang ilalaaan niya ang malaking bahagi ng kikitain ng Philippine Amusement and Gaming health program at education na rin.

Hindi natin masisisi ngayon ang mga mahihirap na nanay na suki na ng Fabella at mismong mga empleyado ng ospital na tutulan ang plano ng mga opisyal ng DOH dito.

Nangangamba ang mga nanay na tuluyang hindi na nila makayanan ang mga gastusin sa panganganak nila kung tuluyan nang isapribado ang operasyon ng Fabella.

Natatakot naman ang mga empleyado na mawalan ng trabaho sakaling gibain at magtayo na ng bagong istraktura ang hospital.

Naniniwala naman ang iba na plano lang ng ilang taga-gobyerno na kumita kaya ipinipilit nila ang pagpapagiba ng ospital at pagtatayo ng isang bago at modernong paanakan.

Bagama’t ikinatwiran ng DOH na hindi na ligtas ang ospital kaya kailangang magtayo ng bago ay hindi naniniwala ang mga tao sa sinasabi nito.

Kaya nananawagan na mismo kay Digong si Elvira Mendoza, spokesperson ng samahang Save Fabella Hospital Movement, para ipahinto ang planong paggiba sa public maternity hospital.

Sinabi ni Mendoza na kailangang isiwalat ng DOH ang buong katotohanan hinggil sa plano dahil natatakot sila sa maaaring mangyari sa mga pasyenteng mapagkaitan ng serbisyong kailangan nila.

Libo-libong nanay, aniya, ang tiyak na mapapagkaitan ng serbisyo dahil wala namang alternatibong plano ang DOH kung ano ang gagawin sa kanila habang itinatayo pa ang bagong hospital.

Sinabi pa ng Save Fabella Hospital Movement na ang isa pang agresibong nagpapalayas sa kanila ay ang Home Guaranty Corporation, para umano mabigyan-daan ang urban development project sa nasabing lugar.

Naniniwala akong maganda ang ginagawa ng kasalukuyang pamunuan ng Fabella at kung mayroon mang proyektong nais gawin ang pamahalaan dito ay hindi sana maging daan para pagkakitaan lamang at sa huli ay maapi at mapagkaitan ng maayos na serbisyo ang mga mahihirap na nanay na umaasa rito. OPEN LINE/BOBBY RICOHERMOSO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>