Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA KORAP AT P30B REHAB FUND SA AGRIKULTURA

$
0
0

MAGANDA ang panukala ng paparating na admnistrasyong Duterte ukol sa agrikultura.

‘Yun bang === P30-bilyong halaga ng rehabilitation fund para sa mga magsasaka at mangingisda.

Ayon kay incoming Agriculture Sec. Manny Piñol, sinira ng El Nino at climate change ang produksyon sa pagkain mula sa huling tatlong buwan ng nakaraang taon hanggang sa mga araw na ito.

Kaya naman, abono at iba pang kailangan ang para sa mga magsasaka at hanapbuhay naman ang para sa mga mangingisda na tinatamaan ng climate change o pag-iinit ng panahon at mundo.

Naramdaman ang bunga ng El Niño at climate change sa pagkasira ng mga tanim na palay, mais, gulay at iba pa sa hanay ng mga magsasaka samantalang fishkill at kawalan ng mahuli naman ang sa mga mangingisda.

Dahil dito, napakaraming lalawigan, munisipyo at lungsod ang nagdeklara ng state of calamity upang may pang-ayuda sa mga magsasaka at mangingisda.

NAWALAN NG PUHUNAN

Ang dami ang nawalan ng puhunan sa dalawang taniman, halimbawa sa palay at mais, sa dalawang panahon ng taniman mula sa 2015 hanggang nitong nakaraang mga buwan.

Kaya naman, lumitaw maging ang mga protesta sa Mindanao dahil labis nang gutom at kahirapan ang dumapo sa mga biktima ng masamang panahon hanggang sa magkaroon ng masaker sa mga magsasaka sa Kidapawan.

Ibig-sabihin nito, nangangailangan ang mga magsasaka at mangingisda ng salaping capital para makapagsimula muli sila.

Alalahaning salapi ang kailangan sa mga batayang kailangan ng mga pamilya ng mga ito sa usapin ng edukasyon, kalusugan, pagkain at iba pa.

Sa ibang salita, mga Bro, hindi abono at iba pang farm input gaya ng mga pestisidyo lang ang kailangan kundi salaping panghagip sa iba pang pangangailangan.

Ang tanong kay Sec. Piñol, mayroon bang ganitong bahagi ng P30-bilyong panukalang rehabilitation fund para sa mga magsasaka at mangingisda?

LIBRENG TUBIG

Isa pa sa mga kontrobersyal na usapin sa pagsasaka ang mahal na patubig mula sa National Irrigation Administration.

Sa dumarating na ulat sa atin, mga Bro, umaabot sa walong kaban ng palay ang sinisingil ng NIA sa mga magsasaka tuwing anihan.

Ang kontrobersya ay nagaganap tuwing tag-ulan.

Ayon sa mga magsasaka, sagana ang tubig sa mga sakahan kung tag-ulan at hindi nila kailangan ang tubig-NIA pero naniningil pa rin ang NIA ng bayad.

Kung tag-araw naman, gayundin na naniningil ang NIA kahit kulang na kulang ang serbisyo nito.

Sa mga araw ng kampanya ng halalang 2016, nangako ang administrasyong Duterte ng libreng tubig para sa irigasyon.

Ang tanong: matutupad kaya ang pangakong ito?

Alalahaning maraming irigasyong proyekto ang NIA na gumagana sa pamamagitan ng mga generator na komukonsumo ng napakalaking halaga ng diesel o gasolina, lalo na sa tag-araw.

HINDI SAKLAW

Ang mga hindi saklaw ng NIA na lugar ay impiyerno naman sa mga magsassaka na kailangang magpatubig mula sa deep well o mga ilog ng tatlong beses sa isang linggo sa loob ng apat na buwan.

Walang pinag-uusapang libreng patubig dito ula sa NIA.

Ano ang nga pala ang gagawin ng gobyernong Duterte sa mga hindi saklaw ng NIA na palayan at maisan na ginagastusan ng mga magsasaka ng napakalaki sa paggamit ng mga generator?

Mayroon din bang nakalaang proyekto para magkaroon ng mga imbakan ng tubig para sa mga lugar na ito?

Hanggang laway lang kasi ang ginawa ng paalis nang administrasyon at nagkakabalitaan pang puno ng iskam ang mga proyekto rito.

PERA-PERA SA IMPORTASYON

Nakaloloko ang patakaran sa agrikultura sa mahal kong Pinas.

Habang panay ang talsik ng laway ng mga pinuno para sa pagdebelop ng agrikultura, anak ng tokwa, palaging iniaasa ang sapat na pagkain sa importasyon.

Ang Aquino administration lamang, eh, panay ang putak noon laban sa Arroyo administration sa pagkakaroon ng labis-labis na importasyon ng palay at mais.

Pero nang nakaupo na ito, inulit lamang nito ang ginawa ng una at ginawa pang sangkalan ang Diyos at ang climate change.

Habang lumilipas ang mga araw, ‘yun pala, ang laki ng kita ng mga anak ng tipaklong sa importasyon ng bigas.

Handang gumastos ang mga bossing ng gobyerno pabor sa mga dayuhang magsasaka pero pinagdadamutan ng kapital ang mga Pinoy na magsasaka.

May overpricing na sa presyo ng imported na bigas, may komisyon pa sila sa presyo ng transportasyon sa barko sa importasyon at pagbibiyahe sa mga isla sa Pilipinas at sa mga trak na pandeliber ng mga bigas.

May kita rin sila sa mga bultuhang pagtitinda sa mga local rice trader o rice cartel sa bansa. At may halo pa umanong mga smuggling at palusot sa mga warehouse ng National Food Authority.

Ano-ano nga pala ang gagawin dito, Sec. Manny Piñol?

Sana isabay ni Sec. Manny ang paghabol sa mga korap sa Department of Agriculture at NFA.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>