Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

COCAINE SA DILG, MAHAL NA PHC, SPRATLYS AT SSS LOAN

$
0
0

benny antipordaHALAGANG P5 milyong droga na cocaine ang nahuli sa ilang kalalakihan sa Araneta Avenue, Quezon City kahapon.

Isa sa mga suspek si Sherwin Lim, clerk sa Legal Division ng Department of Interior and Local Government.

Naposasan din si Bryan Lansang Esguerra, ng Angeles City, Pampanga at si Robby Uybico Mabalatan, ng Cubao, Quezon City.

SIBAKIN KAAGAD

Dapat na sibakin kaagad itong si Lim at ‘di hahayaang basta makalabas sa pamamagitan ng piyansa.

Oo, karapatan nito ang mag-file ng piyansa at tumanggi sa akusasyon pero hindi dapat na basta pagbigyan ito.

‘Yun bang === hindi dapat na bigyan ng luwag at isalang sa istriktong due process ito.

Ang rason natin, mga Bro, baka ginagamit ni Lim mismo ang DILG para makapagkalat ng lagim sa kung saan-saan.

Kung totoo na sila ang suplayer ng cocaine sa mga bar at casino, nangangahulugan na bigtime druglord sila.

O kaya’y konektado sila sa mga malalaking druglord.

MGA KONTAK HANAPIN

Sabi ng mga pulis na hahanapin nila ang ugnay nina Lim na mga druglord.

Kung seryoso ang mga parak, dapat na mabilis ang kanilang pagkilos.

Pupuwede silang gumawa ng paraan na isuka nina Lim ang pagkakakilanlan ng mga pinagkukunan nila ng droga.

At mula riyan, ‘di sila dapat mag-aksaya ng panahon.

HUWAG PULITIKAHIN

Batay sa nakuha kina Lim na bulto ng cocaine, kung matagal nang nag-ooperate ang mga ito, nangangahulugan lang na marami na silang sinirang buhay.

Paano kung mula sa drogang suplay ng mga ito ay nagbunga na ng mga pagpatay, rape, pagnanakaw at iba pang mga krimen?

Paano ang mga sinira mismo ng mga ito na buhay ng mga user at pusher na alaga ng mga ito?

SALUDO SA MGA PULIS

Sumasaludo tayo, mga Bro, sa mga pulis na nagsagawa ng operasyon.

Thumbs up tayo kina Supt. Ismael Fajardo ng PNP Task Force Special Operations Unit at mga bata ni Richard Albano ng Quezon City PNP.

Ang sabi, kasama sa operasyon ang Anti-Illegal Drugs ng PNP kaya sinasaluduhan din natin sila.

Ang reminder lang, sana hindi mabawasan ang mga nakumpiskang cocaine at mabenta sa kung saan-saan.

‘Di sana matukso ang mga parak sa perang mula sa cocaine na mas mahal kaysa shabu.

CALLING TESDA

Good am, Sir Benny Antiporda. Isa ako sa milyon-milyong tagasubaybay mo. Sana magbigay ang TESDA ng short course sa heavy equipment operation gaya ng back hoe, grader, loader at bulldozer. 0926717….

SSS LOAN PAPOGI LANG

Ang educational aid/loan ng SSS ay papogi points lang at para ma i-divert ang attention sa clamor ng mga SSS pensioneer na maragdagan ang kanilang maliit na pension! 0908878….

EPAL POSTER

Good am po. Naglagay na po ako ng signboard sa harap ng bahay namin na “wag magkabit ng tarpaulin sa pader” dito po sa bahay namin sa Brgy. Graceville, San Jose City, Bulacan. Itong si Kapitana Robes ng Brgy. Poblacion 2, ay tumatakbong konsehal dito po sa District 1 at naglagay pa rin at nagpako pa sa pader namin. ‘Di po ba bawal din ang magkabit sa puno? Siya po ay may mga tarpaulin sa puno. Nananawagan po ako sa Comelec. 0929236….

PEKENG PULIS

Sir, i-report ko lang ‘yung tungkol kay PO2 Wax Malubay. Nakalagay sa Ultimatum ni Benny Antiporda na hindi po siya pulis, informer lang po ng pulis. Tagarito po siya sa Pacheco St., Tondo, Manila. Ang alyas po sa kanya ay ‘Tiniente Taking.’ Sobra po ang yabang nito, pati mga DVD dito sa palengke ng Don Bosco hinihingan, sakop ng PS1 ng MPD. Miyembro po ito ng akyat-bahay at pamilyang nagtutulak. 0917600….

PERA-PERA SA HEART CENTER

Good day po sa inyo. Ako po si Ginoong Edgardo F. Sandoval na taga-0935 San Isidro Ibayo, Subic, Zambales.

Sana po ay inyong mabigyan ng espasyo at mailathala sa inyong kolum ang aking reklamo tungkol po sa OPD ng Phillippine Heart Center.

Sana po ay kagyat na makarating ito sa ating mahal na Pangulo ng bansa.

Ito po ang aking reklamo. Masyado pong mahal ang kanilang serbisyo tulad ng Chest X-ray na nagkakahalaga ng five hundred pesos.

Humihingi po ako ng discount, ayaw nilang magbigay. Mayroon naman akong dalang social case study galing sa aming munisipyo pero ‘di nila ino-honor.

Kailangang gawin daw muna ang lahat at bayaran.

Ibig pong sabihin ay gumastos muna, ayaw naman pong tanggapin ng mga doktor nila na magpa-laboratory kami sa ibang government hospital bago dalhin sa kanila ang resulta. Iyon lamang po. 0998453….

NAPABABAYAANG SPRATLYS

Naghihirap na ba talaga ang Pilipinas? Isa akong fisherman na laging bumibiyahe sa West Philippine Sea. Tanong ko lang kung bakit ang El Fraile ay wala nang ilaw ang parola? ‘Di ba delikado ‘yun? Isa pa, bakit ang mga nakadestino na Navy at Marines sa Nanshan Island o tinatawag na Lawak ay kulang sa gamit tulad na lang ng radyo? Hindi sila makontak, kahit  VHF Radio ay wala sa international channel 16. ‘Yun lamang, maraming salamat po. 0919420….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>