Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TAMANG SCHOOL SERVICE

$
0
0

ISA sa mga prayoridad ng LTFRB ay ang pagtingin sa isyu ng school services.

Mahalaga ang isyu na ito lalo sa mga magulang dahil nakasalalay sa school services ang safety ng mga estudyante na mula elementary hanggang sa high school level na madalas ay hinahatid at sinusundo ng mga school service.

Gusto lang nating linawin na inuumpisahan na natin na maging mahigpit sa pagbibigay ng franchise sa mga school service.

Una sa requirement ay dapat bago ang mga sasakyan na gagamitin para maging school buses.

Dapat ay hindi lalagpas ang edad ng sasakyan sa tatlong taon mula sa taon ng manufacture o mula sa date na ginawa ang sasakyan.

Ito ‘yung mga bus o mini-bus, coaster, van na kadalasan ginagamit na school service vehicles. At uumpisahan na rin natin na maghigpit sa seatbelts, na dapat kasi ay may individual seatbelt ang mga bata.

Dapat ay well-ventilated ang mga sasakyan, kung hindi man ito air-conditioned at dapat bawat sasakyan ay may sariling fire extinguisher.

Mahalaga rin na nakasulat nang malinaw sa labas ng sasakyan at madaling makita ang hotline numbers o contact details ng LTFRB para sa anomang concern na pwedeng idulog o isumbong sa amin.

Gusto rin nating ipaalala na mahalagang requirement ang certification or endorsement ng paaralan sa pagkuha ng prangkisa para makapag-operate ng school services.

Importante po ito dahil pinahahalagahan ng LTFRB ang coordination ng mga paaralan sa mga operator ng school services para siguraduhin ang kaligtasan ng mga mag-aaral na mananakay. At ang mga magulang din ay pinapayuhan na pumili ng lehitimong school service para ipagkatiwala ang kanilang mga anak at ito nga ‘yung mga lehitimong may prangkisa.

Hindi naman mahirap makumbinsi ang mga kababayan natin sa aspetong ito dahil ang mga may prangkisa lang din naman ang papayagan ng paaralan na makapasok sa kanilang premises.

May mga sumbong nga sa atin na kapag walang prangkisa ang school service ay sa malayo sa gate ng school ibinababa ang mga bata at ‘di po ito safe.

Kung walang prangkisa ng LTFRB ay walang insurance ng safety ang inyong mga anak.

***
Mag-email ng reaksyon sa bmarielinton@gmail.com o kaya’y mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>