Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KAAYUSAN SA MAYNILA, MAY ELEKSYON MAN O WALA

$
0
0

Allan-Encarnacion-mano_mano-web-copyHINDI man ako taga-Maynila, apektado pa rin ako ng lahat ng nangyayari sa lungsod.

Una, ang karamihan sa labas ng bansa, hindi alam ang Pilipinas dahil palaging Manila ang nakalagay sa lahat ng boarding gate ng mga eroplano.

Pangalawa, kahit sinong taga-ibang bansa ang makausap ko, tatlong lugar lang ang naririnig ko sa kanilang bibig, Boracay, Cebu at Manila.

Kaya nga nalulungkot tayo sa kinasapitan ng Maynila sa maraming aspeto ng lungsod.

Natutuwa tayo dahil nagkaroon ng kalaban si Mayor Alfredo Lim dahil kahit paano, mas nakitaan natin sila ng pagkilos para resolbahin ang palaging problema ng lungsod.

Bago pa uminit ang pulitika at pagpasok ni Erap sa eleksyon sa Maynila, palagi ko nang sinasabi sa ating kolum ang kalunos-lunos na sitwasyon sa lungsod.

Mula sa matinding trapik kahit saan, anarkiya sa mga pagparada ng mga sasakyan, anarkiya ng mga vendor at ang maraming lugar na hindi kaaya-aya ang hitsura.

Ang mismong kahabaan ng Rizal Avenue ay grabe ang sitwayon.

Mga illegal vendor ang naghahari roon at sa kahabaan ng Recto hanggang doon sa Divisoria.

At ang mga sasakyan, kahit saan pwedeng huminto at pwedeng magparada.

Ang kahabaan ng Mabini at ang MH Del Pilar, mapagkakamalan mong parking lot dahil kahit ano ay pwedeng gawin ng mga pribado at pampublikong sasakyan.

Ang mismong Lawton na pala-gi kong babaan noong nag-aaral pa ako sa Lyceum of the Philippines ay parang terminal din ng mga bus at jeep kaya sobrang hirap dumaan.

Ang Roxas Blvd. magmula sa Delpan hanggang sa Manila Hotel ay parang daungan ng mga barko dahil lahat ng container vans na sobrang laki ay nakaparada sa tatlong lane gabi-gabi.

Kaya madalas, isang lane lang ng Roxas Blvd. ang ating nadaraanan dahil parang hari ang mga 40-footer container van na nakaparada rito gabi-gabi.

Matagal na natin itong isinusulat subalit hindi nabibigyan ng pansin ng pamahalaang lokal.

Alam nating hindi naman kailangang personal na si Lim ang magmando ng traffic at mag-ayos ng mga vendor at mga illegally parked vehicle.

Subalit hinahanapan natin siya ng magandang liderato para sumunod ang kanyang mga tauhan.

Sa pagtakbo ni Erap sa Maynila, alam nating humudyat ito ng mas agresibong pagkilos para sa city government na ayusin ang  chaotic na lungsod.

Gusto nating makitang maayos ang Maynila, may eleksyon man o wala.

allanpunglo@yahoo.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.