Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DROGA, PANGKATING JOMA, PEDERALISMO AT BITAY

$
0
0

WALA pa sa puwesto ang administrasyong Duterte, ngunit kumikilos na ang ilang piling yunit ng PNP laban sa droga, nag-iingay at naghahamon na ang papalit kay PNP chief Director General Ricardo Marquez na si C/Supt. Ronald “Bato” dela Rosa hinggil sa sindikato ng droga na pinamumunuan ng nakakulong na ‘hari ng droga’ sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City, at ilang drug pusher na ang namamatay.

Nagsimula na ring makipag-usap ang administrasyong Duterte, sa pangunguna ni Sec. Jesus Dureza, sa pangkat ni Jose Ma. Sison tungo sa pinal na pag-aayos ng National Democratic Front of the Philippines na pinamumunuan ng Communist Party of the Philippines.

Para sa kaalaman ng publiko, pangkat lang po ni Joma ang kausap ng administrasyong Duterte at hindi ang buong CPP-NDFP, dahil ‘hiwa-hiwalay’ ang sitwasyon nila ngayon.

Hindi na ay lahat naniniwala at nakikinig ngayon kay Joma.

Ang federalism at parusang kamatayan sa pamamagitan ng bitay ay isusulong na rin ng susunod na Kongreso dahil ito ang napagkasunduan ng ‘super majority’ sa Senado at kamara del Representantes.

Ang federalism at parusang bitay ang humatak sa maraming mambabatas para maging super majority ang apat na miyembro ng PDP-Laban sa Kongreso (1 sa Senado at 3 naman sa Kamara).

Ngunit, napakalinaw na hindi pinagtutuunan ng pansin ang kontraktuwalisasyon, regularisasyon ng trabaho, pagtataas ng sahod ng mga manggagawa at empleyado sa pribadong sektor at pamahalaan, ang pagsugpo sa kahirapan at kagutuman, at paglunsad ng agresibong giyera laban sa korapsyon at pandarambong sa kabang-yaman ng pamahalaan.

Umaasa ang Federation of Free Workers, Trade Union Congress of the Philippines, Associated Labor Unions, Partido Manggagawa, Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Kilusang Mayo Uno at National Confederation of Labor na maglulunsad ng ‘agresibong digmaan’ ang administrasyong Duterte laban sa mga suliranin ng mga manggagawa na higit isang siglo nang umiiral.

Lubos ding umaasa ang publiko na maglulunsad din ng ‘agresibong aksyon’ ang administrasyong Duterte laban sa korapsiyon at pandarambong ng mga halal na opisyal ng pamahalaan, itinalagang opisyal ng pamahalaan, at ilang kawani ng pamahalaan sa salapi ng pamahalaan.

OCA MALAPITAN, NAG-ALA DUTERTE

Nakarating sa akin ang atas ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa pulisya ng Lungsod ng Caloocan na pinamumunuan ni S/Supt. Bartolome Bustamante na umaksyon laban sa droga sa lungsod.

Uulitin ko umaksyon ang pulisya laban sa droga. Ang pagkakaunawa ko, dapat agresibo sina S/Supt. Bustamante.

Dapat, dapat tuluyan nang mawala ang tinaguriang ‘shabu tiangge’ sa lungsod na matatagpuan sa Bgy. Tala.

Nilusob na rati ang shabu tiangge ng iba’t ibang yunit ng PNP kung saan 20 katao ang nadakip.

Hindi kasali ang drug lord na kung tawagin nila ay ‘Kapitan.’

Tama at talaga namang napapanahon ang atas ni Mayor Malapitan na kaparis ng deklarasyon ng paparating na administrasyong Duterte.

Kailangan dito ang suporta at tulong ng lahat ng residente ng lungsod upang makalaya na ang mga biktima ng droga.

XXX
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271, o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>