NAG-IKOT tayo sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa Metro Manila at Gitnang Luzon para pakiramdaman ang damdamin ng mga pulis natin. Nakalulungkot ang resulta at totoo naman ang kanilang saloobin.
Incoming PNP Chief RONALD DELA ROSA a.k.a. BATO, easy ka lang sa pinakakawalan mo na mga pahayag sa media interviews sa iyo.
Maaaring para sa iyo ay nakatutuwa dahil iyan ang utos sa iyo ni incoming President RODRIGO ROA DUTERTE.
Katulad sa Bandila ng ABS-CBN, nang tanungin ka kung kaya mong ipatupad ang utos ni PANGULONG DIGONG na tatlo hanggang anim na buwan ay masusugpo mo ang mga kriminal at mapapahinto ang kriminalidad. Ang sagot mo? “BAHALA NA!”
What?!!!?
Sorry, BATO, pero masasabi ko na ang sagot mo’y lacks leadership and assurance. You cannot run the PNP kung ganyan.
Another thing you told them was, “Pag-upo ko, aalisin ko lahat ang mga nakaupo na regional, provincial at district directors…” Bakit, Sir, lahat ba sila’y kriminal sa iyong paningin at paniniwala?
Alam mo ba kung ano ang naitanim mo sa isipan ng mga nanood sa iyong mga interview, General BATO, Sir? Lahat ng opisyal na nakaupo ngayon sa PNP ay tulisan at sangkot sa krimen kaya lahat sila ay iyong papalitan!
Easy ka lang, Sir. Baka masira mo nang hindi mo sinasadya si PANGULONG RODY dahil sa iyong mga pahayag.
Ang sabi niya, tatapusin niya ang maliligayang araw ng mga kriminal, mga korap, lalo na ang mga drug dealer at pusher sa ating bansa.
Ang sabi niya, kapag LUMABAN ang sinoman sa kanila, pwedeng patayin. Nakatatakot tuloy mula sa iyo, patay kaliwa’t kanan. Kaya nga pinayuhan na lang niya na lahat ng sangkot sa malalaking krimen ay mabuti pa na magsialis sa ating bansa at kung hindi man ay sumuko nang kusa.
Walang sinabi si PANGULONG DUTERTE na patay rito at patay roon, General dela Rosa. Kung lalaban lang sila.
Pero nauunawaan kita dahil hindi ka sanay sa media interiews. You are just one lucky guy in the right place and in the right time.
But please, tigilan mo ang “katapangan” mo sa iyong mga kapwa pulis. Nakabababa ng moral ang iyong mga binitiwang salita sa ilang panayam.
Baka maging masama ang repleksyon niyan sa kabuuan at baka sobrang masaktan ang mga kapwa mo pulis, hindi malayo na mag-alsa sila laban sa iyo!
Alright, Sir? BALETODO/ED VERZOLA
