Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

INAUGURATION NINA DUTERTE AT ROBREDO TALIWAS SA TRADISYON

$
0
0

NAGING kaugalian na sa ating bansa na halos sabay kundi man ay magkasunod na isinasagawa ang panunumpa ng mga bagong halal na Presidente at Vice President ng bansa, pero bakit ngayon ay tila nabago na yata.

Sa kasaysayan, kadalasan ay iisa lang ang lugar ng panunumpaan sa inagu-rasyon ng Pangulo at Pangalawang Pangulo.

Sinasabing nagbigay na umano ng abiso itong kampo ni President–elect Rodrigo Duterte sa kampo ni Vice President-elect Leni Robredo na magkakaroon sila ng magkahiwalay na inagurasyon.

Ang pagpapaabot ng abiso ng kampo ni Duterte sa kampo ni Robredo ay nangangahulugan na ang bagong Pangulo ay manunumpa sa katanghaliang tapat ng Hunyo 30 na wala ang presensya ng kanyang Vice President?

Pakiramdam ko tuloy parang may sakit na nakahahawa itong si Robredo at ganon na lang kung iwasan ng bagong halal na Presidente ng bansa.

Andoon na ako, magkalabang mortal ang kanilang mga partido, pero tapos na ang eleksyon, dapat na siguro tayong magkaisa, nasaan na ang sinasabing reconciliation kung ganyang parang iniitsapuwera naman ang galing sa kabilang kampo.

Samantala, itong si Robredo umano ay manunumpa naman sa Quezon City sa harap ng sinasabing pinakamahirap na barangay captain na si Ronaldo Oner ng Bgy. Punta Tarawal sa Calabanga, Camarines Sur.

Kung ating babalikan, magkaibang partido rin naman sina Pangulong Noynoy Aquino at Vice President Jejomar Binay pero pareho silang nanumpa sa Quirino Grandstand sa Rizal Park sa Maynila.

Bago nanumpa si Pangulong Aquino kay Associate Justice Conchita Carpio-Morales ay nauna nang nanumpa si Vice President Binay.

Sa Cebu City naman nanumpa si dating Vice President Noli de Castro sa harap ni dating Supreme Court Chief Justice Hilario Davide kung saan ginanap ang inauguration rites ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong June 30, 2004.

Si Arroyo ay naging Vice President din ni dating Pangulong Joseph Estrada, kung saan ginanap naman ang kanilang inagurasyon sa makasaysayang Barasoain Church sa Malolos, Bulacan at sinundan ito ng inaugural speech sa Quirino Grandstand.

Sa kabila ng nasabing tradisyon, tanggap na tanggap naman umano ng kampo ni Robredo ang payo sa kanila ng panig ni Duterte na humiwalay sa gagawing inagurasyon.

Tama lang na igalang at sundin ng Robredo transition team ang kagustuhan ng panig ni Duterte dahil prerogative naman ito ng susunod na pangulo paro sana lang pagkatapos ng inagurasyon ay ipakita nila sa mga Pilipino na kinalimutan na nila ang pulitika. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>