Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAGKANO ANG GINASTOS NG LP?

$
0
0

DAHIL sa rami ng mga kaganapan sa pulitika ay hindi masyadong nabibigyang pansin ng publiko ang kontrobersyang kinasasangkutan ng Liberal Party (LP).

Sa mga hindi pa nakaaalam ay nabigo ang LP na isumite sa Comelec sa takdang panahon ang listahan ng kanilang ginastos sa kampanya noong nakaraang halalan.

Dahil nga sa kabiguan nilang magsumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ay nalagay sa balag ng alanganin ang pag-upo ni incoming Vice President Leni Robredo ngayong katapusan ng buwan.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na base sa batas, ang kabiguan ng alinmang partido na magsumite ng kanilang SOCE sa tamang oras ay magreresulta ng hindi pag-upo sa pwesto ang nanalo nilang kandidato.

Pero higit sa pag-upo ni Leni ang isa pang isyu na dapat sagutin ng LP ay kung magkano ba talaga ang nagastos nila at sa halagang iyon ay magkano ang perang galing sa gobyerno?

Ang kabiguan nilang magbigay ng SOCE sa tamang oras ay nagpapatindi sa hinala ng mga tao na maaari ngang may nagamit silang pera ng pamahaalan.

Kung nagawa kasing magsumite ng ibang partido sa oras, bakit hindi ito kayang gawin ng LP at mismong ang natalong LP standard bearer na si Mar Roxas ay nabigo ring magsumite ng kanyang SOCE?

Nakapagtataka ito sapagkat nagawa ng lahat ng mga kalaban niya na magsumite ng kanilang SOCE pero bakit nabigo si Mar?

Ang akala ba niya ay kaya niyang balewalain ang batas o sadyang nahihirapan siyang magsumite sapagkat bahagi ng pera nang nagamit niya ay nagmula sa kaban ng bayan gaya ng akusasyon ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Chairperson Renato Reyes?

Hinala kasi ni Reyes ay nagamit ang pera at iba pang resources ng pamahalaan tulad ng pondo para sa 4Ps para isulong ang kandidatura ni Mar.

Kaya naman nanawagan si Reyes sa Comelec at iba pang concerned government agency na busisiin at imbestigahan ang perang nagamit ni Mar sa kampanya dahil para sa kanila ay may pera ng taumbayan na nagamit sa kampanya nila.

Kaya naman para malinis ni Mar ang pangalan niya at gayundin ang kanilang partido ay dapat lang na isumite na niya ang kanilang SOCE na roon ay suportado ng mga papeles at resibo ang kanilang dokumento.

Maliban kasi sa gawin nila ito ay magpapatuloy ang hinala ng taumbayan na malaking bahagi ng pera ng pamahalaan ang ginastos nila noong nakaraang kampanya.

Ang katanungan ngayon ay magkano nga ba talaga ang nagastos ni Mar at ng LP sa kampanya? CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>