Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SABONG COP SA QC IPAGBAWAL NA RIN

$
0
0

SINO itong pulis na tinaguriang ‘sabong cop’ ng Quezon City na isinusumbong ng mga taga-Batasan Hills?

Araw-araw ay nagsasabong daw ito na animo’y milyonaryo kung pumusta sa kanyang alagang mga manok.

Ang mga ganitong pulis ang pinagmumulan ng korapsyon dahil sa kanyang bisyo.

Basahin natin ang reklamo:

Good evening po, Sir Johnny. Isumbong lang po natin para sa pagbabago ito.

Kasi po, sa amin ay may mga pulis na nagtutupada. Akala ko magbabago na sila, ayon sa utos ni Pangulong Digong.

Kanina lang po, may pulis na taga-Tarnate St., Area B, Talanay, Batasan Hills, Quezon City.

Panalo po ang 2 manok niya sa tupadang ‘yun, ha! Nagsasabong po sila sa lugar na malapit din sa kanila sa Bayanihan St., Area A., Batasan Hills at halos 200 meters lang po ang layo nito sa bahay niya.

Halos linggo-linggo po ‘yan, ang dami niyang manok. May mga pulis ding nanghihingi ng ‘tong.’

Imbes na ipatigil ang sabungan ay balewala lang sa kanila. Kaya dapat itong ipatapon din sa Mindanao ang mga ito para roon na sila makipagsabong sa mga lugar ng mga Abu Sayyaf.

‘Yun lang po at katabi pa niya ang bangka ng lotteng at bookies ng mga EZ2.

Siguro, kumikita rin siya kaya dedma lang ang mamang pulis na ito.

Salamat po, sir. Concerned lang po ako sa pagbabago. Huwag na lang pong ilagay ang number ko para sa seguridad ko at ng aking pamilya.

More powers po sa iyo, Sir, Johnny. God bless.

BOOKIES COP, SIBAKIN

Sana, ngayong nakaupo na si PNP chief Gen. Ronald “The Rock” dela Rosa ay unahin niya na ipatapon sa Mindanao ang pulis na nagngangalang Presnedi alyas Pacnoy

Ito’y dahil sa halip na ang mamang pulis na ito ang manguna para huliin ang mga iligal na pasugalan sa Maynila ay siya pa mismo ang nagsisilbing pasimuno ng bookies ng karera.

Sampulan nga ninyo si Presnedi alyas Pacnoy, Gen. Bato!

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>