Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

‘MISS U SA PINAS,’ PATOK ‘YAN!

$
0
0

PAPATOK ang turismo sa ating bansa kapag natuloy ang plano na dito idaos ang susunod na Miss Universe pageant sa Maynila.

Balita ko’y inaprubahan na nga ‘yan at kuntodo suporta si Pangulong Rody Duterte.

Karapat-dapat lang ‘yan dahil ang kasalukuyang Miss Universe ay walang iba kundi ang sarili nating kababayan na si Pia Alonzo Wurtzbach.

‘Di ba napakagandang pagkakataon na maisasalin niya ang korona sa susunod na Miss U rito mismo sa Pinas?

Tiyak na dadagsa ang mga dayuhan dito para saksihan yan kasama na siyempre ang foreign media.

Magiging isang “marketing coup” ang event na ‘yan para sa industriya ng turismo at marami ang mabibigyan ng trabaho at iigting ang mga negosyo.

Mapapatunayan din natin na hindi lang nasa ating bansa ang the “World’s Best Islands” tulad ng Palawan, Boracay at Cebu kundi narito rin ang world’s best host nation.

Maliwanag pa sa sikat ng araw na tayong mga Filipino ang pinaka-hospitable people sa buong mundo.

So, this idea is definitely a stroke of genius on the part of Tourism Secretary Wanda Corazon Teo.

Kapag nagkataon isang buwan na mamamalagi rito ang mga Miss Universe contestant at tutungo sila sa iba’t ibang tourist spots sa bansa.

Tiyak ko kulang ang isang buwan para mapasyalan nila ang lahat ng magagandang tanawin sa buong kapuluan.

Sabihin pa, patitikimin natin sila ng nakapaglalaway na lutong-Pinoy! Biruin n’yo, matagal-tagal nating makakasalamuha ang pinakamagagandang hayup sa balat ng lupa.

Hayup sa ganda ang mga binibining ‘yan, ibig kong sabihin!

Mabuhay po kayo riyan sa DOT, sis!

***
Welcome po ang inyong mga reaksyon, opinyon at reklamo. I-email lamang po sa etulfo2011@yahoo.com o bisitahin n’yo kami sa Erwin Tulfo Action Center sa 2nd Floor, Quedsa Plaza, Quezon Ave. cor. EDSA, Quezon City, 9am-4pm Monday-Friday. DEADSHOT/ERWIN TULFO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>