BILANG na ang araw ng mga barangay official na tatamad-tamad at tutulog-tulog dahil hindi nila ginagawa ang kani-kanilang tungkulin para sugpuin ang lumalalang paglaganap ng iligal na droga sa kani-kanilang nasasakupang barangay.
Sa totoo lang, kung nakikiisa lang ang mga barangay official sa bawat pamayanan sa ating mga kapulisan ay hindi lalawak o lalaki nang ganito ang operasyon ng illegal drugs sa buong bansa.
Biruin ninyo, halos araw-araw na lang ay may user at pusher ang sumusuko sa kapulisan na nangangakong magbabago na ang mga ito sa kani-kanilang mga bisyo.
Kung tutuusin ay hindi sana natin ito sasapitin kung ang mga mismong barangay official ay nakikipagtulungan sa ating mga kapulisan dahil ang mga barangay official na ito ang pinakamaliit na unit o sector sa ating lipunan na nakakikilala sa kanyang mga ka-barangay.
Sa ibang salita, alam niya kung sino-sino ang mga adik at pusher.
Dahil mismo sila ang mga nakadadaupang-palad ng kanilang mga ka-barangay, hindi imposibleng hindi nila makilala kung sino-sino ang mga tulak at adik sa kanilang mga barangay.
Tama lang po na maglabas ng memorandum order ang Malacañan at paimbestigahan ang mga barangay captain at mga official nito sa buong bansa na nagpapabaya at walang silbi sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot sa kani-kanilang barangay.
Ayon kay Spokesperson Ernie Abella ay malapit na raw na maluto ang nilulutong “memorandum order” ng Palasyo na paiimbestigahan nila ang mga barangay official na inutil. Kaya humanda na kayo. Hehehehe!!!
Mantakin ninyo, kapirasong papel lang na listahan ng mga tulak at adik na pasimpleng iaabot lang ng mga ito sa nakasasakop na kapulisan sa kanila ay hindi man lamang nila magawa.
BAKIIIIITTT? Tangna ninyo!!!!
Hindi ko sinasabing “patong” kayo. Hehehehe..
IPINANGONGOTONG NGA BA SI HENERAL?
Sino itong pulis na si Paquing Chan ng PRO-4, sobra raw sa pangongotong ng timbre sa nasabing rehiyon at gamit pa ang pangalan ni PRO-A Director Valfrie Tabian?
Kilala ninyo po ba ito, Heneral Tabian?
oOo
Anomang puna o reklamo itext sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA