Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANG MAYAMAN AT ANG MALUPIT NA OPISYAL NG MPD

$
0
0

HINDI naman kailangang imbestigahan pa ng National Police Commission (Napolcom) at Philippine National Police (PNP) ang isang opisyal ng Manila Police District na sinasabing napakayaman.

Bakit ba kasi nasabing napakayaman ng pulis na ito na nagtapos sa PNP Academy? Ang dahilan kasi ay nakabili umano ito ng sarili niyang mundo.

Walang sinusunod umano ang opisyal na ito maliban sa sarili niyang desisyon kaya kahit ang nasa command group at ibang command staff ay galit sa kanya.

Maging ang district director (Dee-Dee) ay ilang beses na nag-ulit ng kanyang utos sa opisyal na ito na hindi naman sumunod sa hindi malamang dahilan. Nagtataka tuloy ang mga kapwa niya opisyal kung naiintindihan nito ang kanyang tungkulin o mahina lang talaga ang pick-up.

Tablado rin sa opisyal na ito ang Chief Directorial Staff (CDS) na tumatayong bastonero ng Dee-dee na inaabot ng ilang linggo ang request o order sapagkat hindi nga sumusunod ang nasabing opisyal.

Samantala, isa pa ring opisyal ng MPD ang kinaiinisan ng ilang pulis sapagkat bukod sa suplado at mayabang na mataas ang tingin sa sarili ay napakalupit pa sa mga bagitong pulis.

Naka-assign sa headquarters sa UN Avenue ang opisyal na ito na walang sabi-sabi na tinadyakan sa gulugod ang isang PO1 na nakatalaga sa Moriones Police Station noong Martes ng umaga habang isinasagawa ang inspection.

Nakasuot ng athletic uniform ang mga police non-commissioned officer (PNCO) nang tadyakan ng opisyal na ito ang PO1 na hindi nakasuot ng white rubber shoes.

Ayon sa ilang pulis na naawa sa kanilang sinaktang kasamahan, pwede namang lagyan na lamang ng demerit ng opisyal ang PO1 sa halip na saktan.

Bagaman napahiya ay nagawa pa ring magtimpi ng bagitong pulis.

Naku, kung naburyong ang PO1 na nasaktan, malamang ay may kalalagyan ang opisyal na kung umasta ay akala mo siya ang hari.

Maging sa headquarters ay marami ang galit sa opisyal sapagkat bukod sa pagiging suplado ay mayabang umano na madalas pakiusapan ng mga PNCO ay deadma lang siya.

Ano kaya ang gagawin ng opisyal na ito kung hinamon siya ng barilan ng PO1? Hindi kaya mabahag ang buntot niya?

Sa halip kasing gabayan ng kabutihang-asal ng opisyal ang mga bagitong pulis ay ito pa ang nagtuturo ng kalupitan. Hindi ba dapat ay alalayan niya at tulungan ang mga baguhan upang maging maayos ang mga ito sa pagpapasunod ng patakaran tungo sa kaayusan at katahimikan?

Bakit nga ba hindi umaaksyon ang Napolcom sa mga ganitong usapin? PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>