Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KARMA NI NOYNOY AT SUGAL SA MASBATE

$
0
0

SIMULA unang araw ng pag-upo ni dating Pang. Benigno Noynoy Aquino ay wala na itong ginawa kundi benggansahin o habulin ang kanyang mga kalaban sa pulitika.

Ang kanyang pinalitan na si dating Pangulong Gloria Arroyo ay pwersahang hinarang sa airport para hindi makapagpagamot sa ibang bansa. At sa pamamagitan ng sandamakmak na kaso ay tiniyak na makulong ito at ‘di makapagpiyansa sa loob ng halos apat na taon.

Si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay ginastusan ng Disbursement Acceleration Program para tiyakin na mapatalsik sa pamamagitan ng impeachment.

Hayun, parekoy, dahil sa kinang ng salapi kaya maging ang mga dating kaalyado ng senador ay inilaglag ito. At maliban sa mga panggigipit sa kanyang mga kalaban sa pulitika, may iba pang pinagkaabalahan noon ang abnoy na administrasyon ni Noynoy.

Ang ibunton ang sisi sa kanyang mga kalaban sa pulitika sa tuwing magkakaroon ng problema ang pamahalaang PNoy! Pwe!

Sa madaling salita, parekoy, simula nang sumampa sa Palasyo ay hindi talaga naka-move-on si Noynoy hanggang sa ito’y mag-move-out!

Pero may kasabihan na ang iyong itinanim ang siya mo ring aanihin! Aba, eh, mantakin mong hindi pa nga inabot ng isang lingo simula nang lumayas sa Malakanyang ay sandamakmak na asunto ang agad na isinampa laban dito.

At kung mamalasin ay baka himas-rehas din ang abutin nito! Hak, hak, hak!

Ang masakit, pinalaya na ng Korte Suprema itong si GMA. Abangan na lang natin kung ano ang mangyayari sa Veterans Hospital sa mga darating na araw.

Hindi kaya “Arroyo out, Aquino in”?

Sa totoo lang, parekoy, hindi tayo naniniwala na si GMA ay walang ginawang katarantaduhan noong nasa pwesto pa ito. Maging ang kanyang mga kaalyado, kasama na si ex-SC Chief Justice Corona.

Ang hindi lang maganda ay kung itutok ng bagong upo sa pwesto ang kanyang atensyon sa pambe-benggansa imbes na sa paglutas ng sandamakmak na problema ng bayan!

-o0o-

Sa Masbate ay nagkakaroon ngayon ng demoralisasyon ang mga pulis.

Ayon sa ating source sa Masbate PPO, sinasapawan sila ng POSDAC (Provincial Organization for Socio-Development Against Crime) na nasa ilalim ng tanggapan ng gobernador.

Nag-o-operate umano ang POSDAC kahit walang kasamang pulis. At hindi lang sa police operation sila sinasapawan. Maging sa collection umano mula sa iligal na sugal!

Pero aminado ang source na sila pa ang nangolekta hanggang noong a-15. Hmmm!

Pakisilipin nga po, Pangulong Digong, ang lantarang iligal na sugal sa Masbate! Isi-centralize na raw ito! BURDADO/JUN BRIONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Broken Heart Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>