Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SCALAWAGS, WA-PUWANG KAY GEN. ALBAYALDE

$
0
0

SUKO rito, suko roon at nagkalat ang napapatay na drug pushers. ‘Yan ang kaganapan ngayon sa iba’t ibang sulok ng Metro Manila.

Sa datus, libo-libo na ang sumurender at daan-daan na ang nasasawi sa pinag-ibayong operasyon laban sa salot na droga.

At sa mga napapatay, ilan dito ay mga pulis matapos lumaban sa kabarong mga pulis na nagsasagawa ng drug buy-bust operation.

Masuwerte sina PO1 Ronald Clarin at PO1 Edgar Allan Co, parehong miyembro ng QCPD dahil piniling sumuko kaysa lumaban.

Dahil kapag nagkataon, sila’y mabibilang sa listahan ng mga drug personality na dinala sa morgue dahil pantay na ang mga paa.

Sina Clarin at Co ay inaresto noong Lunes, Hulyo 18, matapos hulihin ang isang big-time drug pusher na tinangkang kotongan.

Gawain daw ng dalawang kolokoy na ito na manghuli ng pusher, pagkatapos ay pakakawalan kapalit ng malaking halaga.

Galit si NCRPO Director C/Supt. Oscar Albayalde kaya bigla itong napasugod sa QCPD matapos madakip sina Clarin at Co.

Ipinagharap na ng demanda sina Clarin at Co, kasabay ng utos ni Gen. Albayalde na madaliin ang kasong administratibo laban sa dalawa.

Sa madali’t sabi, pinamamadali ng butihing heneral ang imbestigasyon para masibak na kaagad sa serbisyo ang mga bugok.

‘Ika ng ating source, may listahan na si Gen. Albayalde ng scalawags o bad eggs sa NCRPO na kanya na ngayong pinamamanmanan.

Ang mga ito, ayon pa sa source ay mga pulis na nakatalaga sa mga operating unit, partikular sa mga anti-narcotics section.

Umabot daw sa kaalaman ni Gen. Albayalde na hulidap ang lakad ng mga ito at ang nakukumpiskang mga droga ay nire-recycle.

Bulong ng ating police insider, si Gen. Albayalde, ay galit sa ‘tarantado’ kaya walang puwang sa kanya ang scalawag na pulis.

Kaya tiyak na exciting ang mga susunod na araw na pagpapatuloy na drug operation na ipinag-utos ni Pangulong Digong at PDG Bato.

At si Gen. Albayalde bilang NCRPO boss, malaki ang pag-asang sa anim na buwan ay maiibsan ang Metro Manila sa problema ng droga. CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>